BULACAN- LABIS ang pagtangis ng isang padre de pamilya nang matagpuan ang kanyang anak na wala nang buhay na palutang-lutang sa ilog ng Brgy, Sto. Rosario sa siyudad ng Malolos sa lalawigang ito.
Ayon kay Marwin Lecira, ama ng biktima na mahirap na nawalan ng anak.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad huling nakita sa CCTV na buhay si Sofie, 6-anyos nitong Hulyo 7, Biyernes ganap na alas- 4:30 ng hapon.
Kinabukasan, araw ng Sabado Hulyo 8 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng paslit.
Agad dinala ang labi ng bata sa isang punerarya upang isailalim sa autopsiya.
Dala ng matinding kahirapan sa pamamagitan ng facebook live umapela ng tulong ang ama ng bata upang mabigyan ng disenteng libing.
Makaraang mag-viral agad nagpadala ng tulong si City Mayor Atty. Christian D. Natividad sa mga naulilang magulang upang maasikaso agad ang mga papeles at ang burol.
Samantala patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang pangyayari. THONY ARCENAL