PATULOY ang pagtutok ng embahada ng Pilipinas sa Tokyo at ang Philippine Consulate General sa Osaka sa pagpapatuloy ng sea at aerial search operations ng Japanese Coast Guard sa nawawalang Panamanian-flagged vessels na may mga sakay na Pinoy crew.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa ngayon ay wala pa ring matagpuan sa mga nawawalang tripulante ng nasabing barko bagaman may natagpuan na life raft.
Kinumpirma rin ng Philippine Embassy na ang natagpuang labi ay Filipino at tumulong na rin ang pamilya nito sa pagkilala sa biktima.
Gayunpaman, pansamantalang sinuspinde ng tatlong araw ang search operation dahil sa pumasok na bagyo sa Japan nitong weekend. LIZA SORIANO
Comments are closed.