NBA 2020-21 SEASON TARGET SIMULAN SA DISYEMBRE

NBA

PLANO ng NBA na simulan ang 72-game 2020-21 season sa Disyembre at tapusin ito sa panahong makakalahok ang mga player sa Tokyo Olympics, ayon sa reports.

Sa report ng Athletic at ESPN, inabisuhan ng liga ang mga team owner sa isang conference call noong Biyernes hinggil sa naturang plano, na mangangailangan ng pag-apruba ng players union sa katapusan ng Oktubre.

Makaraang magwakas ang playoffs noong Oktubre 11 dahil sa COVID-19 shutdown noong nakaraang Marso at ang July restart, ang liga ay magkakaroon na lamang ng 72-day break bago ang December 22 restart.

Ang hakbang ay magbibigay-daan sa mas malaking kita at mas maramlng laro kumpara sa January restart. Sa mas maagang iskedyul ay magkakaroon din ng pagkakataon ang mga NBA player na maglaro sa Tokyo Olympics, kung saan target ng US team ang ika-4 na sunod na gold medal.

“A play-in tournament for the final playoff spot in each conference, an idea developed due to the pandemic-hit season, would continue,“ ayon sa reports.

Kailangang sumang-ayon ang National Basketball Players Association sa anumang deal hinggil sa pagsisimula ng season, kung saan iniulat ng ESPN na may pag-uusap na posibleng umarangkada ang NBA sa mid-January sa Martin Luther King Jr. holiday.

Nagsimula nang magtanong ang USA Basketball hinggil sa availability ng mga player para sa Tokyo Olympics na magsisimula sa Hulyo 23 upang magka-roon sila ng panahon na makapili ng mga player at makapaghanda para sa Games.

Itinakda ang NBA Draft sa Nobyembre 18 kung saan ang free agency ay inaasahang magsisimula matapos nito para sa 2020-21 campaign.

Comments are closed.