NBA: 3 MIYEMBRO NG RAPTORS POSITIBO SA COVID-19

covid test

TATLONG miyembro ng Toronto Raptors ang nagpositibo sa COVID-19 sa league-mandated testing period bago ang training camp.

Hindi kinilala ng Raptors, na noong 2019 ay naging unang Canadian team na nagkampeon sa NBA, ang mga indibidwal ngunit sinabing ang lahat ng tatlo ay naka-isolate.

“Adherence to protocols, follow-up testing and contact tracing has so far revealed no spread to other members of the Raptors organization,” pahayag ng Raptors sa isang statement.

Sinabi pa ng koponan na kanselado ang media access na nakatakda noong Lunes kina head coach Nick Nurse at starting point guard Kyle Lowry.

Sisimulan ng Raptors,  na dumating sa Tampa, Florida, noong nakaraang linggo para sa training camp, ang 2020-21 season na maglalaro ng home games sa U.S. city dahil sa travel restrictions na ipinatupad ng Canadian government sa gitna ng pandemya.

Bubuksan ng  Raptors, natalo sa decisive Game 7 sa Boston Celtics sa Eastern Conference semifinals noong nakaraang season, ang kanilang season sa Dis. 23.

Comments are closed.