NBA BALIK-LARO NA

nba2

INANUNSIYO ng National Basketball Association (NBA) na walang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa resulta ng pinakahuling  batch ng testing, isang araw bago ang muling pagsisimula ng season sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Ang mga player ay dumating sa quarantined bubble sa kaagahan ng buwan upang ipagpatuloy ang season matapos itong biglang matigil noong Marso dahil sa coronavirus outbreak.

Ang mga laro ay hindi bubuksan sa mga manonood at ang mga player ay kailangang tumira  on-site sa buong panahon ng paglalaro ng kanilang koponan sa liga.

Sa July 20 report ay wala ring nagpositibo sa  COVID-19.

Ipagpapatuloy rin ng National Hockey League (NHL) ang season nito sa Agosto 1.

Comments are closed.