NBA DRAFT KASADO NA SA NOB. 18

Nba Draft

NEW YORK – Idaraos ang NBA Draft ngayong taon virtually mula sa  ESPN studios sa Bristol, Connecticut, ayon sa liga.

Dahll sa COVID-19 pandemic na nagpahinto sa season noong Marso at nagresulta sa pagdaraos ng playoff  sa isang quarantine bubble sa Orlando ay mawawala na rin ang nakagawiang pagtitipon para sa alokasyon ng bagong league talent sa NBA clubs.

Magpapakita sina NBA commissioner Adam Silver at deputy commissioner Mark Tatum sa ESPN upang ianunsiyo ang pagpili para sa  first at second rounds.

Ang mapipiling draftees, kabilang ang marami sa potential top picks, ay lalabas sa pamamagitan ng digital technology.

Ang Minnesota Timberwolves ang kukuha ng top pick sa NBA Draft, kasunod ang Golden State Warriors, Charlotte Hornets, Chicago Bulls, Cleveland Cavaliers, Atlanta Hawks at  Detroit Pistons.

Si LaMelo Ball, isang 18-year-old guard mula sa Southern California at nakababatang kapatid ni New Orleans Pelicans guard Lonzo Ball, ay inaasahang kabilang sa magiging top picks. Sandali siyang naglaro sa Australia at Lithuania.

Kandidato rin sina teen guard Anthony Edwards mula sa University of Georgia at University of Memphis big man James Wiseman para sa top selection.

Comments are closed.