NBA: HARDEN NASA DISNEY WORLD NA

James Harden

DUMATING na si James Harden, isa sa All-Star guards ng Houston Rockets, sa  Disney World complex sa Orlando, Florida noong Martes ng gabi.

Nag-post ang koponan sa Twitter ng video ni Harden nang dumating ito sa  campus. Si Harden, ang 2018 NBA Most Valuable Player, ay hindi kasama ng koponan nang lumipad ang Rockets sa Orlando noong nakaraang linggo.

Hindi pa rin makakasama ng koponan ang isa pang All-Star guard ng Houston na si Russell Westbrook makaraang magpositibo ito sa coronavirus disease. Kaila­ngang niyang magnega­tibo sa tests ng dalawang beses  bago siya payagang samahan ang Rockets sa Disney World.

Samantala, kaila­ngan munang sumunod si Harden sa quarantine protocol ng NBA bago ito makasama sa ensayo ng Rockets.

Ang eight-time All-Star ay may average na 34.4 points, 7.4 assists, at 6.4 rebounds para sa Houston, na nasa ika-6 na puwesto sa Western Conference na may 40-24 win-loss record.

Ang NBA season ay magpapatuloy sa Hul­yo 30 na may 22-team format makaraang suspendihin ang liga noong nakaraang Marso dahil sa pandemya.

2 thoughts on “NBA: HARDEN NASA DISNEY WORLD NA”

  1. 360114 896486I was examining some of your content material on this internet web site and I believe this site is rattling instructive! Keep putting up. 37890

Comments are closed.