NBA: KRUSYAL NA PANALO SA BLAZERS

Carmelo Anthony

NAISALPAK ni Carmelo Anthony ang dagger three-pointer, wala nang isang minuto ang nalalabi, upang selyuhan ang 110-102 panalo ng Portland Trail Blazers laban sa Houston Rockets, noong Martes (Miyerkoles sa Manila) sa Walt Disney World complex sa Orlando.

Isang split ni Damian Lillard sa free throw line ang nagbigay sa Blazers ng 104-102 kalamangan, may 1:29 ang nalalabi, at makaraang sumablay si James Harden sa isang step-back three-pointer, naipasok ni Anthony ang ‘biggest shot’ ng laro.

Krusyal ang panalo para sa Blazers, na sinisikap na manatili sa kontensiyon para sa eighth at final playoff spot sa Western Conference.

Ito naman ang unang kabiguan ng Houston sa NBA restart.

Tumipa si Lillard ng 21 points, 9 rebounds, at 8 assists, habang nag-ambag si CJ McCollum ng 20 points, 7 rebounds, at 5 dimes, kabilang ang pasa na nagbigay-daan sa dagger ni Anthony.

Kapwa nagtala sina Anthony (15 points, 11 rebounds) at Josuf Nurkic (18 points, 19 rebounds) ng double-doubles para sa Portland.

Tumapos si Harden na may 23 points at 9 assists, habang nagdagdag si  Russell Westbrook ng 15 points at 9 assists. Gumawa si Jeff Green ng 22 points mula sa bench para sa Rockets.

PACERS 120,

MAGIC 109

Patuloy ang pagpapakitang-gilas ni TJ Warren at nanatiling walang talo ang Indiana Pacers sa NBA restart makaraang igupo ang Orlando Magic.

Naipasok ni Warren ang 13 sa kanyang 17 shots upang tumapos na may 32 points, at limang iba pang Pacers ang nagtala rin ng double-digits.

Naitala ng Indiana ang unang 10 points ng laro at umabante sa 43-22 matapos ang opening frame.

Ang Pacers ay 3-0 na sa bubble, habang ipinalasap sa Magic ang unang kabiguan nito.

Bumuslo ang Indiana ng 54.8% mula sa field.

Nagbuhos si Nikola Vucevic ng team-high 24 points at 10 rebounds para sa  Magic, habang umiskor sina  Aaron Gordon at Terrence Ross ng tig-20 points.

HEAT 112,

CELTICS 106

Naging sandigan ng Miami Heat sina Bam Adebayo at Duncan Robinson para pataubin ang Boston Celtics.

Ang Heat ay naglaro sa second game ng back-to-back at wala si star guard Jimmy Butler, subalit hindi ito naging hadlang upang malusutan ang Celtics. Sa panalo ay nanatili ang Miami sa kontensiyon para sa No. 3 seed sa Eastern Conference.

Naipasok ni Robinson ang lima sa kanyang  11 three-pointers para sa  21 points,  habang tumabo si Adebayo ng 21 points at 12 rebounds. Umiskor si Goran Dragic ng 20 points mula sa bench.

2 thoughts on “NBA: KRUSYAL NA PANALO SA BLAZERS”

  1. 721172 355810Very good day. Extremely cool blog!! Man .. Superb .. Amazing .. Ill bookmark your website and take the feeds additionallyI am glad to locate numerous useful information right here within the post. Thank you for sharing.. 285502

Comments are closed.