ITINANGHAL na NBA Most Valuable Player si Milwaukee Bucks star forward Giannis Antetokounmpo para sa 2018-19 regular sea-son.
Napaiyak ang 24-anyos na Greece nang tanggapin ang parangal sa NBA Awards show sa Santa Monica, California, kung saan siya ang pinakabatang MVP magmula nang manalo si Derrick Rose noong 2011.
Tinalo ni Antetokounmpo sina 2018 MVP James Harden ng Houston Rockets at Oklahoma City Thunder forward Paul George para sa award.
Si Antetokounmpo, sa kanyang ika-6 na season sa Bucks, ay may average na 27.7 points at 12.5 rebounds kung saan pinangunahan niya ang Milwaukee sa best regular-season record sa liga na may 60 panalo at 22 talo. Umabot sila sa Eastern Conference finals kung saan yumuko sila sa Toronto Raptors, na siyang itinanghal na kampeon sa liga.
“I want to thank my team, my teammates,” wika ni Antetokounmpo. “It takes more than one person to win 60 games. Every time I walked to the locker room I saw my teammates were ready to fight, they were ready to go to war with me.”
Pinasalamatan din niya ang coaching staff, sa pamumuno ni head coach Mike Budenholzer, na itinanghal na Coach of the Year.
Binanggit din niya ang management at may-ari ng koponan sa pagtitiwala sa kanya noong siya ay 18-anyos sa Greece.
Pinasalamatan din niya ang kanyang ama na si Charles Antetokounmpo, na pumanaw noong 2017.
“Every day I step on the floor, I always think of my dad,” aniya.
Samantala, nakopo naman ni Luka Doncic, ang No. 3 overall selection na na-trade sa Dallas Mavericks sa draft day noong 2018, ang Rookie of the Year Award.
Si Doncic ay nakakuha ng 98 mula sa 100 votes, habang si Trae Young ng Atlanta Hawks ang nakakuha ng dalawa.
Comments are closed.