NBA PLAYERS PAGSUSUOTIN NG KN95 O KF94 MASKS

nba

PAGSUSUOTIN ng NBA ang mga player nito ng KN95 o KF94 masks, ayon sa report ng ESPN.

Ang bagong polisiya ay inaasahang magiging epektibo sa susunod na linggo sa sandaling maipamahagi ng liga ang masks sa bawat koponan.

Batay sa report, ito ang pinakahuling hakbang ng liga para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga player, coach at staff.

Noong nakaraang buwan ay iniutos ng liga ang pagsusuot ng mga player ng  masks habang nasa bench.

May 23 games na ang ipinagpaliban ng NBA ngayong season dahil sa health and safety protocols.

Ang KN95 at  KF94 masks ay kapareho ng filtration na makikita sa N95 masks, na nakareserba para sa medical professionals. Ang ibig sabihin ng KF ay Korean filter habang ang KN ay ang Chinese equivalent ng N95 masks.

“The KF94 captures 94 percent of particles in the air whereas the KN95 captures 95 percent.”

Comments are closed.