GAGANAPIN ang preseason ng NBA sa Disyembre 11-19, ayon sa report ng The Athletic.
Nauna nang itinakda ang pagsisimula ng regular season sa Dis. 22, Gayunman ay hindi pa ipinalalabas ang 2020-21 regular-season schedule.
Batay sa report, ang mga koponan ay may opsiyon na maglaro ng tatlo hanggang apat na preseason games.
Ang lahat ng koponan ay kailangang maglaro ng kahit isang preseason game sa kanilang home arena.
Bagama’t wala pang plano kung papayagan ang fans na manood ng mga laro, inanunsiyo na ng NBA champion Los Angeles Lakers na wala silang spectators sa Staples Center sa pagbubukas ng regular season.
Binalasa ang NBA calendar ngayong winter kasunod ng pinaikling 2019-20 season dulot ng COVID-19 pandemic.
Ang 2020 NBA Draft ay nakatakda sa Miyerkoles, kung saan ang free agency ay magsisimula sa Biyernes, alas-6 ng gabi. Ang free agent signings ay maaaring simulan sa Nob. 22.
Nakatakda namang magbukas ang training camps sa Disyembre 1, na magbibigay sa mga koponan ng halos dalawang linggong paghahanda bago ang pagsisimula ng preseason games.
Nananatiling naka-freeze ang trades bagama’t may mga report na maaari nang makipag-deal ang mga koponan sa Linggo o Lunes.
Comments are closed.