BIBISITA si Utah Jazz shooting guard Donovan Mitchell, kandidato para sa NBA 2018 Rookie of The Year, sa Pilipinas sa unang pagkakataon sa Hunyo 17.
Ang 21-anyos na si Mitchell, kilala rin bilang ‘Spida’, ay nangunguna sa lahat ng rookies sa scoring na may average na 20.5 points kada laro.
Ang maikli niyang pagbisita sa Manila ay magbibigay sa kanyang Filipino fans ng sulyap sa kanyang buhay at kung paano niya ginagamit ang kanyang pagkamalikhain sa mga hamon na kanyang kinakaharap bilang isang rookie.
“From claiming the 2018 Slam Dunk Champ title to leading in the 2018 NBA Rookie of the Year race, Donovan Mitchell has really inspired our basketball-crazy country and we can’t wait to welcome him to the Philippines,” wika ni Jen Dacasin, Brand Communications and Sports Marketing Manager for adidas Philippines.
Comments are closed.