NAGPOSITIBO sa coronavirus disease si Miami Heat forward Derrick Jones Jr., ang reigning NBA Slam Dunk champion, ayon sa multiple media outlets.
Batay sa report, si Jones ay asymptomatic, at umaasa itong makakasama ang koponan matapos ang quarantine period. Sa panuntunan ng NBA, ang mga player na magpopositibo sa virus ay kinakailangang mag-self-isolate sa loob ng dalawang linggo.
Isinailalim ng Heat ang kanilang mga player sa tests noong Huwebes bilang paghahanda sa pagbabalik-aksiyon ng NBA sa Disney’s ESPN Wide World of Sports Complex sa Orlando, Fla.
Sa 30 koponan sa NBA ay 22 ang pinagre-report sa Disney campus para sa training sa July 11, kung saan magsisimula ang mga laro sa July 30.
Sa kanyang four-year NBA career, si Jones, 23, ay may career-best stats scoring na 8.9 points per game, rebounds na 4.2 per game, assists na 1.1 per game at steals na 1.1 per game. Sumalang siya sa 51 games sa 2019-20 season na may 15 starts.
Makaraang laruin ang kanyang unang 1 1/2 NBA seasons sa Phoenix Suns, si Jones ay lumipat sa Heat noong December 2017 bilang isang free agent.
Nauna na ring nagpositibo sa virus sina Denver Nuggets All-Star center Nikola Jokic, Indiana Pacers guard Malcolm Brogdon, Sacramento Kings forward Jabari Parker at center Alex Len. Iniulat ng Athletic na tinamaan din ng virus si Kings guard Buddy Hield.
Iniulat din ng multiple media outlets na may ilan pang hindi pinangalanang players sa ibang koponan ang nagpositibo sa COVID-19.
Comments are closed.