NBI AGENT NAM-BULLY NG 9 MENOR INARESTO

NBI AGENTS

ISABELA – AREASTADO ang isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at nahaharap sa kasong paglabag sa Rebublic Act 7610 (anti child abuse law)  matapos na ireklamo ng siyam na kabataang lalaki na naglalaro pasado alas-10 ng gabi sa Barangay District 2, Cauayan City.

Inaresto ng mga tauhan ni Supt. Nelson Vallejo hepe ng Cauayan City Police Station si alyas Kelvin, 29, may asawa, residente ng Cabaruan, Cauay-an City, at kasapi ng Cyber Crime Division ng NBI-Isabela, na umano’y nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang suspek at tinatakot ang mga bata.

Ayon kay Chief Insp. Sosimo Zambrano, hepe ng Investigation Section ng Cauayan City Police Station, lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na ang suspek ay naglabas ng posas at tinakot ang siyam na menor habang naglalaro ang mga ito sa may Barangay District 2, ng nasabing lungsod at sabay sigaw sa kanila.

Dahil sa takot ng siyam na menor ay nagsumbong ang mga ito sa pulis na umano’y may lasing na lalaki at may dalang posas at baril at sila ay tina-takot.

Binigyang diin naman ni Kelvin na nais lamang niyang umuwi na ang mga menor na nag-uusap dahil hatinggabi na ay nag-iingay pa ang mga biktima.   IRENE GONZALES

 

Comments are closed.