NBI EMPLOYEES TINURUKAN NG PNEUMO VACCINES

UPANG protektahan ang mga empleyado ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga virus at iba pang nakakahawang sakit, sinimulan ng NBI ang pagbibigay ng Pneumococcal Vaccination kamakailan sa lahat ng empleyado nito mula sa punong tanggapan hanggang sa mga regional office.

Ang programa ay pinangungunahan nina NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.) at Assistant Director for Forensic and Scientific Research Service Dr. Rommel T. Papa sa pamamagitan ng NBI Medico-Legal Division (NBI-MLD) na pinamumunuan ni Dr. Al Anthony M. Chua.

Ayon kay Santiago, layunin ng programa na pangalagaan ang kalusugan ng mga empleyado at tiyakin ang mas ligtas na lugar ng trabaho.

Hinimok din nito ang mga hindi pa nababakunahan na magtungo sa opisina ng NBI-MLD upang makuha ang kanilang bakuna para sa mas mataas na proteksyon.

Bukod dito, namahagi rin ang NBI Odontology Division sa pangunguna ni Dr. Mary Ann P. Manos ng mga dental kit sa mga empleyado kasabay ng nasabing aktibidad.

RUBEN FUENTES