NBI HINIMOK NA PALAWAKIN ANG ‘BIKOY’ PROBE

Labor Undersecretary Jacinto Paras

HINILING ni Labor Undersecretary Jacinto Paras sa National Bureau of Investigation (NBI) na gumawa ng mas malalimang imbestigasy-on kasunod ng nahuling nag-upload umano ng video sa internet na si Rodel Jayme.

Sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe sa Quezon City, sinabi ni Paras na marami pang mga nasa ‘dilawan’ ang posibleng nasa li-kod ng naturang destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Binanggit ni Paras ang kolumnistang si Ellen Tordesillas gayundin si oppositioon Senator Sonny Trillanes na aniya’y usual suspects sa mga tangkang destabilisasyon laban sa gob­yerno habang nabanggit din ng opisyal si Vice President Leni Robredo subalit hindi aniya nito tinutukoy na siya mismo ang may pakana.

Nilinaw ni Paras na ang kanyang ginawang inisyatibo na sariling imbestigasyon ay walang kinalaman sa kanyang pwesto bilang undersecretary sa DOLE at wala ring sinumang nanghikayat sa kanya para gawin ang nasabing hakbang.

Aniya, ito ay para lamang ipakita ang buong suporta kay Pangulong Duterte at anumang tangkang patalsikin ito ay kanyang hahadlangan umabot man sa kanyang pagkakakulong.

Handa ring magsampa ng inciting to sedition si Paras sa sinumang matukoy o makumpirmang may pakana ng naturang destabilization plot laban sa Pangulo.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.