(NBI pasok na rin sa imbestigasyon) TASK FORCE BINUO PARA SA DALANGIN PROBE

baril

NUEVA ECIJA – AGAD na bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagpatay sa isang abogado sa bayan ng Talavera.

Una nang pinagbabaril hanggang mapatay si Atty. Bayani Dalangin sa loob ng kanyang opisina ganap na alas-5:00 ng hapon noong Pebrero 28.

Agad inatasan ni PNP Provincial Director P/Col. Leon Victor Rosette, ang Provincial Intelligence Branch, (PIB) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Nueva Ecija Provincial Police Office para sa Task Force Dalangin.

Kaugnay nito ay kinondena ng Integrated Bar of the Philippines sa Nueva Ecijia ang pamamaslang.

Ayon kay IBP Chapter President Atty. Wilson Chua, tahasang pag-atake ang Dalangin killing sa legal order at sa justice system ng bansa.

Kabilang naman sa aalamin ng mga pulis kung may sensetibong kasong hinahawakan si Dalangin, at kung may personal itong kaalitan bago ang naganap na pamamaril sa kanya.

Samantala, maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay inatasan na ring kumilos para alamin ang nasa likod ng pamamaslang. THONY ARCENAL

Comments are closed.