NBI PASOK SA CATHEDRAL BOMBING PROBE

Justice Secretary Menardo Guevarra

NAKATAKDA nang magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa naganap na pagsabog sa Jolo, Sulu kamakalawa, ayon na rin sa utos ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.

Wala namang itinakdang deadline ang DOJ sa NBI kung kailan nila matatapos ang pa­rallel investigation sa naturang pagsabog kung saan 27 ang napaulat na binawian ng buhay habang higit 100 ang sugatan.

Nabatid na naganap ang pagsabog habang idinadaos ang misa sa Cathedral ng Out Lady of Mount Carmel sa Jolo.

Sa ngayon ay patuloy ang post-blast investigation ng Joint Task Force Sulu hinggil sa nasabing pambobomba at personal na ring nagtungo si PNP Director General Oscar Alba­yalde upang personal na makita ang status ng lugar at nang mga isinasagawang imbestigasyon.

Nangyari ang pagsabog kasabay ng mga pagkuwestiyon sa legalidad ng ikatatlong extension ng martial law sa Mindanao at sa isinusulong na Bangsamoro Organic Law. PAUL ROLDAN

Comments are closed.