NBI PASOK SA VILLAVENDE KILLING SA KUWAIT

Justice Secretary Menardo Guevarra

MAYNILA – INATASAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ng Pinay domestic helper na si Jeanelyn Villavende sa Kuwait.

Ayon kay Guevarra, kaniya nang inatasan ang NBI na magsagawa ng case build-up sa posibilidad na pagkukulang ng recruitment agency na nag-deploy kay Villavende sa Kuwait, limang buwan na ang nakalilipas.

Kabilang sa atas ng kalihim sa NBI ay ang pagsasampa ng kaso laban sa ahensiya.

Si Villavende, na mula sa South Cotabato, ay pinatay sa bugbog umano ng kanyang amo.

Batay sa medico legal, namatay ang Pinay dahil sa respiratory failure bunsod ng shock at multiple injuries.

Nakakulong na ang Kuwaiti employer at naghihintay na ng charges. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

3 thoughts on “NBI PASOK SA VILLAVENDE KILLING SA KUWAIT”

Comments are closed.