NBL/WNBL 1V1 TOURNEY LALARGA NA

Rhose Montreal

SASAMBULAT ngayong weekend ang novelty 1v1 tournament ng National Basketball League (NBL) at Women’s National Basketball League (WNBL) sa Bren Z. Guiao Convention Center.

Tatlong matchups sa men’s at lima sa distaff side ang matutunghayan sa special event na magpapakita ng individual skills at talent ng mga player.

Sa halip na iklasipika ang men’s at women’s division per height limit, klinasipika ng mga organizer ang mga player ayon sa weight — featherweight, lightweight, welterweight, light heavyweight, at heavyweight.

“It’s like having a boxing pero basketball ang laro natin so it’s going to be entertaining,” wika ni NBL/WNBL Executive Vice President Rhose Montreal sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition kahapon.

Sinamahan nina NBL 1v1 Commissioner Jerry Codinera at fellow WNBL 1v1 counterpart Haydee Ong si Montreal sa weekly session na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ayon kay Ong, ang women’s match up ay kinabibilangan ni Allana Lim vs  Snow Penaranda (light-heavyweight), Jhenn Chrystelle Angeles vs Angelica De Austria (lightweight), Sthefanie Ventura vs Nicole Cancio (welterweight), Jo Razalo laban kay Girly Villaflores (heavyweight), at Jolina Go kontra Nicole Delos Reyes (featherweight).

Sinabi naman ni Codinera na ang men’s side ay kinabibilangan ni dating Barangay Ginebra player Teytey Teodoro kontra Arnaud Noah (heavyweight), Christopher Lagrama vs Mark Tamayo (featherweight), at Raymart Amil laban kay Marvin Baracael (welterweight).

“Kailangan may weight class para hindi disadvantageous sa  mga atleta na lalaro,” sabi ni Ong, dating Philippine women’s team coach at kasalukuyang mentor ng University of Santo Tomas Lady Tigers.

Ayon kay Codinera, ang PBA great at dating coach ng University of the East at Arellano University, nagpasiya ang NBL na huwag idaos ang kumpetisyon per height limit dahil mas madaling iklasipika ang mga player ayon sa kabilang timbang.

“So it’s for you to find a way to beat (your opponent). Kahit malaki siya but he is lighter. It’s a challenge na baka puwede ka ring talunin ng small guys pero magsing-bigat lang kayo,” dagdag ng 54-year-old cage pro. CLYDE MARIANO      

6 thoughts on “NBL/WNBL 1V1 TOURNEY LALARGA NA”

  1. 296624 955884Good read, I just passed this onto a colleague who was performing some research on that. And he really bought me lunch as I found it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 64590

Comments are closed.