NBL, WNBL MAGIGING PRO NA

Baham Mitra

DALAWA pang basketball leagues ang magiging pro na.

Ipinabatid ng regional National Basketball League (NBL) at ng female counterpart nito, ang Women’s National Basketball League (WNBL), ang kanilang intensiyon na mapasailalim sa Games and Amusements Board (GAB).

“We have already met and they (have) submitted their application to GAB already,” wika ni GAB Chairman Baham Mitra.

Sa sandaling mapormalisa, palalakasin nito ang women’s basketball.

Binuo noong nakaraang taon, ang WNBL ay may pitong koponan – apat na female squads ng NBL clubs at tatlong independent teams.

Nakopo ng Air Force ang inaugural championship.

Samantala, ang NBL na tinaguriang “The Home of Real Homegrown Players” ay kasalukuyang may walong koponan kung saan ang mga player mula sa bawat koponan ay ipinanganak o lumaki sa lungsod o lalawigan na kanilang kinakatawan.

Sa sandaling mapormalisa, ang NBL ay magiging ikalawang active professional men’s basketball league sa Filipinas, kasama ang Philippine Basketball Association, at ang ikatlo sa kabuuan, kung isasama ang isa pang regional league, ang Metropolitan Basketball Association, na tumakbo lamang ng limang seasons mula 1998 hanggang 2002. PNA

Comments are closed.