NCAA: 4-0 SA LADY BLAZERS

Standings W L
CSB 4 0
SSC-R 3 1
Arellano 3 1
Mapua 3 1
Perpetual 2 2
JRU 2 2
LPU 2 2
Letran 1 3
San Beda 0 4
EAC 0 4

Mga laro ngayon:
(Paco Arena)
12 noon – LPU vs Letran
2:30 p.m. – Arellano vs JRU

HINILA ng College of Saint Benilde ang kanilang perfect run sa apat kasunod ng 25-16, 25-16, 25-16 pagdispatsa sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena.

Sa kabila ng pangunguna sa standings, nais ni Michelle Gamit, na epektibo sa gitna na may 9-of-13 spikes, na maiangat pa ang lebel ng paglalaro ng Lady Blazers.

“Dapat hindi kami complacent, tapos sunod kami sa plano namin kung ano ang i-perform namin sa court, kung sino ‘yung kalaban namin. Alam namin dapat ‘yung galaw nila. Dapat huwag kaming magpakampante. Dapat tuloy-tuloy lang,” sabi ni Gamit, na naitala ang dalawa sa apat na blocks ng CSB.

Nauna rito ay ginapi ng Mapua ang University of Perpetual Help System Dalta, 20-25, 25-22, 25-23, 13-25, 15-10, para mapalawig ang kanilang winning run sa tatlong laro.

Kumana si rookie Nicole Ong ng 8 blocks para sa 21-point outing habang naging solido rin si captain Jonina Fernandez para sa Lady Cardinals na may 12 kills at 11 digs.

Umangat ang Mapua, na nanalo sa kanilang ikalawang five-set match ngayong season, sa three-way tie sa second place kasama ang San Sebastian at titleholder Arellano University sa 3-1. Ang nag-iisang talo ng Lady Cardinals ay sa opening day, isang straight-set defeat sa mga kamay ng Lady Chiefs.

“Sa totoo lang, hindi ko ine-expect na ganyan ang ilalaro ng players namin,” sabi ni Mapua mentor Aying Esteban.

Nanguna si Jade Gentapa para sa Lady Blazers na may 17 points, kabilang ang dalawang blocks, nag-ambag si Gayle Pascual ng 16 points, habang nakalikom si Mycah Go ng 22 digs at 8 receptions.

Nalasap ng Lady Generals, na hindi pa nananalo ngayong season, ang ika-4 na sunod na kabiguan.

Kumubra si Krizzia Reyes ng 14 points at 6 receptions habang nagdagdag si Cathrine Almazan ng 10 points at 11 digs para sa EAC.