NCAA: 4TH STRAIGHT WIN PAKAY NG ALTAS

TARGET ng University of Perpetual Help System DALTA ang ika-4 na sunod na panalo sa pagharap sa San Sebastian College Stags sa NCAA men’s basketball tournament ngayong Martes sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City.

Ang Altas ni coach Olsen Racela ay galing sa impresibong panalo kontra EAC Generals noong Sabado, 73-67, habang ang Golden Stags ay galing sa talo kontra Arellano Chief noong Linggo, 73-87.

Tututukan ngayon si Altas rookie sensation Mark Gojo Cruz, na may average na 16 points, 6 boards, 3.4 assists, 2 steals at 1 block kada laro sa limang laro sa Las Pinas City based squad.

Umaasa si Racela sa tulong nina team captain Christian Pagaran, John Abis, Jearico Nuñez at point guards Shawn Orgo at Axl Manuel upang makamit ang panalo at umangat sa standings sa liga.

Nakahanda rin sina Altas bench JP Boral, Gelo Gelsano, Emna Pizarro, Ralph Cauguiran, Iñigo Montemayor at Nath Sevilla na sumuporta sa opensa at depensa ng koponan.

Sisikapin naman ng Stags na makabawi mula sa three-game losing skid, kabilang ang pagkatalo sa Arellano U (87-73), matapos magtala ng impresibong back to back wins sa pagsisimula ng liga.

Magsasagupa naman ang host LPU Pirates at Mapua Cardinals sa main game sa alas-2:30 ng hapon.

Ang Altas ay may 3-2 kartada, katabla ang Letran at defending champion San Beda Red Lions. Nananatili sa ibabaw ng standings ang CSB Blazers na may 4-1 record, kasunod ang Mapua na may 3-1.

Masaya si Racela sa nilalaro ng Perpetual Boys sa kasalukuyan, lalo na’t nasa itaas ito sa kalagitnaan ng first round.

“I told them that we should play for the whole 40 minutes kasi we were inconsistent with the way we played defense in the previous game,” sabi ni Racela.

“I told them na the harder you work, the luckier you get. Yung hard work nila and effort nila defensively paid off last Saturday para makuha ang panalo,” dagdag pa niya.