NCAA ATHLETES NA MAY SGLs PUWEDE SA PRO LEAGUES

Vic Calvo

PAPAYAGAN ng NCAA ang  student-athletes nito na maglaro sa professional leagues basta mayroon silang ‘special guest licenses’ (SGLs) mula sa Games and Amusements Board (GAB).

Sa isang press briefing, sinabi ni Fr. Vic Calvo ng Colegio de San Juan de Letran, ang chairman ng NCAA Management Committee for Season 96, na nagsumite na sila ng isang resolution sa Policy Board na magbibigay-daan sa paglalaro ng student-athletes na may SGLs sa professional leagues.

“We’re still waiting for the final decision, but I think it’s 80% approved,” sabi ni Calvo. “We’re just being asked for the justification and more clarifications regarding the matter… maraming gray areas.”

Ang  SGL ay isang special license na ipinagkakaloob sa amateur players na nais maglaro sa professional leagues sa limited basis.

Paliwanag ni Atty. Ermar Benitez, ang chief ng legal division ng GAB, ang SGL ay nagbibigay-daan sa development ng amateur athletes at nagkakaloob sa kanila ng maayos na transition sa full-time professional career.

“We are already seeing the blurring of the lines between amateur and professional sports,” ani Benitez. “Why don’t we give them the bridge?”

“We are providing an opportunity. They can take advantage of this provision para po makalaro ang athletes sa professional sports on a limited basis, and on the consent of their respective leagues,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Peter Cayco ng Arellano University, na siyang chairman ng ManCom sa Season 95, ang mga NCAA student-athlete na nais maglaro sa professional leagues ay kailangan munang humingi ng permiso mula sa kanilang eskuwelahan, na siyang magpo-forward ng kanilang request sa NCAA. Ang liga naman ang mag-eendorso ng aplikasyon sa GAB.

Comments are closed.