NCAA: BACK-TO-BACK WINS SA PERPETUAL

Standings W L
Benilde 4 1
Perpetual 4 2
Letran 3 2
Mapua 3 2
LPU 3 2
San Beda 3 2
EAC 2 3
SSC-R 2 4
JRU 1 4
Arellano 1 4

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Arellano vs JRU
2:30 p.m. – Benilde vs EAC

NAPIGILAN ng University of Perpetual Help System Dalta ang late rally ng San Sebastian upang maitakas ang 60-52 panalo at kunin ang back-to-back victories sa ikalawang pagkakataon sa NCAA men’s basketball season kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Umangat ang Altas sa 4-2 kartada sa solo second, habang nalasap ng Stags ang ika-4 na sunod na kabiguan matapos simulan ang torneo sa 2-0.

Sa ikalawang laro ay sumandig ang Lyceum of the Philippines University sa 31-point fourth quarter upang pataubin ang Mapua, 96-81, at kunin ang ikatlong sunod na panalo.

Maraming natutunan ang Perpetual sa kanilang pagkatalo sa College of Saint Benilde kung saan naitala nila ang ikalawang winning streak sa season.

“Sa practice, sinasabi namin sa kanila na importante ang approach namin in every game. Iba iba ang kalaban mo pero yung approach mo in every game should be the same. Kailangan gutom ka palagi,” wika ni Altas coach Olsen Racela sa broadcaster GTV.

Sa kabila ng pagkawala ni JM Bravo dahil sa season-ending injury, naiangat ng Pirates ang kanilang laro ng maraming beses.

Tumabla ang LPU sa kanilang biktima, sa defending champion San Beda at Letran sa third place sa 3-2.

“Siguro nakarating kami dito because of hardwork talaga. Nakita ko yung mga players’ will to win talaga. Eager silang manalo and very hungry to win,” sabi ni Pirates coach Gilbert Malabanan.

Nagtala si Christian Pagaran ng 12 points, 9 rebounds at 3 assists, habang nagdagdag si Cedrick Abis ng 12 points, 3 steals at 2 rebounds. Samantala, umiskor si rookie Mark Gojo Cruz ng 10 points para sa Perpetual.

Iskor:
Unang laro
Perpetual (60) – Pagaran 12, Abis 12, Gojo Cruz 10, Boral 8, Gelsano 8, Orgo 6, Pizarro 4, Nuñez 0, Montemayor 0, Manuel 0.

SSC-R (52) – Are 11, L. Gabat 8, Escobido 7, R. Gabat 5, Pascual 5, Felebrico 5, Velasco 4, Maliwat 3, Ricio 2, Lintol 2, Aguilar 0, Suico 0, Barroga 0, Cruz 0.

Quarterscores: 14-11, 34-28, 48-38, 60-52

Ikalawang laro
LPU (96) – Barba 25, Guadaña 16, Cunanan 15, Dailag 14, Villegas 8, Caduyac 6, Peñafiel 5, Montaño 5, Aviles 2, Panelo 0.

Mapua (81) – Bancale 14, Escamis 13, Hubilla 13, Cuenco 11, Mangubat 10, Igliane 6, Concepcion 5, Recto 4, Ryan 3, Jabonete 2, Agemenyi 0.

Quarterscores: 22-25, 39-45, 65-66, 96-81