Standings W L
Benilde 6 2
Mapua 6 2
Letran 6 3
San Beda 5 3
LPU 4 5
Perpetual 4 5
JRU 3 5
EAC 3 5
Arellano 3 6
SSC-R 2 6
Mga laro sa Martes:
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. – Benilde vs JRU
2:30 p.m. – San Beda vs Mapua
5 p.m. – SSC-R vs EAC
NAPIGILAN ng defending champion San Beda ang paghahabol ng University of Perpetual Help System Dalta upang maitakas ang 63-62 panalo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Umabante ng hanggang 11 points, 60-49, sa fourth quarter, nalusutan ng Red Lions ang mainit na paghahabol ng Altas sa huling 8:42 upang umangat sa 5-3.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng San Beda matapos ang shock loss sa Arellano University.
Sa ikalawang laro, naibalik ng Letran ang kanilang winning ways sa 78-66 pagdispatsa sa Lyceum of the Philippines University.
Tinapos ng Knights ang first round na may 6-3 marka, mas matikas sa two-win campaign noong nakaraang season.
Kasunod ng kanyang career-best 22-point outing kontra Letran noong nakaraang Martes, patuloy si Jomel Puno sa kanyang outstanding play, tumapos na may 16 points at 8 rebounds sa 28 minutong paglalaro.
“I just tried to take in the momentum from last game. Like I said before, I just want to stay confident, but most importantly, stay consistent,” sabi ni Puno.
“Just like last year, I kind of got my game going near the end of the first round, so hopefully I can continue that and leave it off to my teammates for our last game in the first round,” dagdag pa niya.
Nagdagdag si Yukien Andrada ng 11 points, 5 boards at 2 assists, habang nag-ambag si RC Calimag ng 10 points sa reserve role para sa Red Lions.
Susunod na makakaharap ng San Beda sa Season 99 Finals rematch ang Mapua sa Martes sa Mall of Asia Arena.
Muntik nang maka-triple double si Shawn Orgo para sa Perpetual sa kinamadang 10 points, 10 assists, at 9 rebounds.
Nanguna si Cedrick Abis sa scoring para sa Altas na may 14 points, habang nagdagdag si rookie Mark Gojo Cruz ng 10 points.
Tinapos ng Perpetual ang first round na may tatlong sunod na talo at nahulog sa 4-5 record overall.
Nagbida si Jimboy Estrada para sa Knights na may 19 points, 7 assists at 5 rebounds habang nagtala si Kevin Santos ng double-double na 17 points, 11 boards at 3 blocks.
Tinapos din ng Pirates ang first round na may 4-5 kartada.
Iskor:
Unang laro
San Beda (63) – Puno 16, Andrada 11, RC Calimag 10, Gonzales 6, Sajonia 6, Estacio 6, Songcuya 4, Royo 3, Celzo 1, Payosing 0, Tagle 0, Lina 0, Bonzalida 0.
Perpetual (62) – Abis 14, Orgo 10, Gojo Cruz 10, Pagaran 8, Boral 6, Nunez 4, Gelsano 3, Montemayor 3, Manuel 2, Caguiran 2, Pizarro 0.
Quarterscores: 13-13, 33-35, 56-48. 63-62
Ikalawang laro:
Letran (78) – Estrada 19, Santos 17, Monje 11, Javillonar 9, Montecillo 9, Miller 8, Nunag 3, Cuajao 2, Baliling 0, Delfino 0, Jumao-os 0.
LPU (66) – Barba 24, Villegas 14, Daileg 9, Montaño 6, Moralejo 4, Paulo 3, Peñafiel 2, Panelo 2, Aviles 2, Cunanan 0, Gordon 0, Pallingayan 0, Caduyac 0.
Quarterscores: 22-18, 42-38, 57-47, 78-66