NCAA: BLAZERS, ALTAS NAKAISA

Mga laro ngayon:

(La Salle Greenhills Gym)

12 noon – Arellano vs Letran

3 p.m. – EAC vs San Beda

NAIPOSTE ng De La Salle-College of Saint Benilde Blazers ang kanilang unang panalo sa NCAA Season 97 makaraang madominahan ang Lyceum of the Philippines University Pirates, 79-68, nitong Martes sa St. Benilde Gym sa La Salle Green Hills.

Angat ang Blazers ng apat na puntos lamang sa pagtatapos ng third quarter, 54-50, pinalobo ng Taft-based squad ang kanilang bentahe sa 74-65, wala nang dalawang minuto ang nalalabi sa laro.

Ang freebies ni JC Cullar ang nagbigay sa CSB ng pinakamalaking kalamangan, 76-65, habang bumanat si Robi Nayve ng clutch triple para selyuhan ang kanilang unang panalo.

Sa unang laro ay dinispatsa ng University of Perpetual Help System ang Jose Rizal University, 77-56, para sa unang panalo ng koponan.

Kumamada si veteran Kim Aurin ng 20 points, 4 rebounds at 3  assists habang nag-ambag si Jeff Egan sa kanyang debut para sa Perpetual ng 14 points, 5 boards at 5 assists.

Iskor:

Unang laro:

Perpetual (77) — Aurin 20, Egan 14, Razon 13, Abis 6, Pagaran 5, Omega 4, Nunez 3, Cuevas 2, Sevilla 2, Barcuma 2, Boral 2, Martel 2, Movida 2, Kawamura 0, Ferreras 0.

JRU (56) — Delos Santos 17, Celis 11, Bongay 8, Agbong 7, Arenal 7, Estrella 3, Dionisio 2, Jungco 1, Macatangay 0, Aguilar 0, Guiab 0, Dela Rama 0, Gonzales 0.

QS: 26-9, 43-25, 64-38, 77-56

Ikalawang laro:

CSB (79) — Nayve 17, Gozum 15, Cullar 11, Benson 11, Marcos 9, Corteza 4, Lim 2, Davis 2. Lepalam 2, Sangco 2, Flores 1, Carlos 0, Mosqueda 0.

LPU (68) — Valdez 13, Umali 11, Remulla 10, Guadaña 7, Barba 7, Larupay 6, Guinto 6, Cunanan 4, Navarro 2, Abadeza 2, Garro 0, Jabel 0, Bravo 0.

QS: 20-20, 37-36, 54-50, 79-68