Standings W L
Letran 5 0
San Beda 5 0
CSB 4 2
Mapua 4 2
EAC 3 3
Arellano 2 4
Perpetual 2 4
SSC-R 2 4
LPU 1 5
JRU 1 5
Mga laro ngayon:
(La Salle Greenhills Gym)
12 noon – CSB vs Mapua
3 p.m. – JRU vs SSC-R
MAG-AAGAWAN ang College of Saint Benilde at Mapua sa solo third sa pagtatangka ng dalawang koponan na mapanatiling buhay ang kanilang maliit na pag-asang makakuha ng outright Final Four berth sa pagpapatuloy ng NCAA men’s basketball tournament ngayong Marte sa La Salle Greenhills Gym.
Umaasa si coach Charles Tiu na maibabalik ng kanyang Blazers ang porma na nagbigay sa kanila ng apat na sunod na panalo sa 12 noon match kontra Cardinals.
Sa 68-74 pagkatalo sa kulelat na Jose Rizal University noong nakaraang linggo ay nalagay ang CSB sa panganib na hindi mapabilang sa top two sa pagtatapos ng eliminations. Pinutol naman ng Bombers ang five-game losing skid.
“I hope they will bounce back and learn from the JRU loss where we were outplayed. We need to have better focus and take every team seriously because we aren’t that good,” sabi ni Tiu.
Inaasahang maglalaro si Will Gozum, ang pinakamalaking nakuha ng koponan sa hiatus, makaraang masaktan ang kanyang kanang paa sa second half kontra JRU.
Hindi lang si Gozum, na makakaharap si dating Red Robins teammate Warren Bonifacio sa unang pagkakataon sa NCAA, ang pangunahing paghahandaan ni coach Randy Alcantara sa pagtatangkang basagin ang pagtatabla sa Cardinals sa 4-2.
“Hindi lang si Will ang paghahandaan namin, pati ang whole team ng CSB,” sabi ni Alcantara.
Makaraang magsimula sa 3-0, nalasap ng Mapua ang back-to-back losses bago nakabalik sa porma via 95-83 win kontra University of Perpetual Help System Dalta noong nakaraang Miyerkoles.
May magkatulad na 5-0 records, ang defending champion Letran at San Beda ay nangangailangan na lamang ng dalawang panalo para makasiguro ng outright Final Four berth na may twice-to-beat advantage.
Sa iba pang laro sa alas-3 ng hapon ay magsasagupa ang San Sebastian at JRU.