NCAA: BLAZERS ‘DI MAAPULA

Mga laro ngayon:

(La Salle Greenhills Gym)

12 noon – Arellano vs Mapua

3 p.m. – LPU vs SSC-R

KUMINANG si Miggy Corteza nang hilahin ng College of Saint Benilde ang kanilang winning run sa apat na laro sa pamamagitan ng 83-73 pagdispatsa sa University of Perpetual Help System Dalta NCAA men’s basketball tournament nitong Sabado sa La Salle Greenhills Gym.

Umabante ang Blazers ng hanggang 22 points at nalusutan ang paghahabol ng Altas sa second half upang umangat sa solo third.

May 4-1 kartada, ang CSB ay nakabuntot sa joint leaders Letran at San Beda, na nananatiling walang talo sa 4-0.

Nagtala si Corteza ng double-double na 24 points at 11 rebounds upang pangunahan ang Blazers, na patuloy ang pag-angat mula sa season-opening loss sa back-to-back title-seeking Knighta.

“We just kept trusting our system,” sabi ni Corteza, na naglaro ng isang taon para sa La Salle bago tumawid sa Taft.  “Coach Charles (Tiu) just always tells us to stick to our defensive principles, play together. Put team first over personal agendas. Iyan ang ginawa namin.”

Nagdagdag si AJ Benson ng 16 points, 3 assists at 3 boards habang kumubra si Robi Nayve ng 14 points para sa Blazers.

Nahulog ang Perpetual sa 2-3 card.

Tumipa si Jielo Razon ng 23 points, habang nagdagdag si Kim Aurin ng16 points at 11 rebounds at gumawa si Jeff Egan ng12 markers para sa Altas.

Iskor:

CSB (83) — Corteza 24, Benson 16, Nayve 14, Gozum 9, Carlos 9, Lim 5, Cullar 2, Marcos 2, Sangco 2, Davis 0, Lepalam 0, Flores 0.

Perpetual (73) — Razon 23, Aurin 16, Egan 12, Pagaran 8, Omega 5, Barcuma 5, Boral 4, Cuevas 0, Abis 0, Martel 0, Sevilla 0, Nunez 0.

QS: 21-15, 46-24, 63-52, 83-73.