Standings W L
Benilde 11 2
Mapua 10 3
San Beda 8 5
Letran 7 7
EAC 6 7
LPU 6 7
Perpetual 6 8
Arellano 5 9
JRU 4 9
SSC-R 4 10
Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
11 a.m. – Mapua vs LPU
2:30 p.m. – San Beda vs JRU
NAGING matagumpay ang pagbabalik ni Tony Ynot, pinangunahan ang College of Saint Benilde sa 69-65 panalo kontra Emilio Aguinaldo College, upang makasiguro ng Final Four playoff berth sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Nagtala si Ynot, naglalaro sa unang pagkakataon makaraang lumiban sa huling limang laro dahil sa injury, ng 14 points, kabilang ang 6 sa fourth quarter, na sinamahan ng 4 rebounds at 4 assists para sa Blazers.
Naghahabol sa 59-61, isinalpak ni Ynot ang krusyal na three-pointer upang bigyan ang Benilde ng 62-61 kalamangan, may 3:47 ang nalalabi at napangalagaan ang kalamangan hanggang dulo.
Ang panalo, ang ika-11 sa 13 laro, ay naglagay sa Blazers sa ibabaw ng standings, habang nanatili ang Generals sa labas ng top 4 sa pagkatalo.
Nahulog ang EAC sa 6-7 kartada katabla ang Lyceum of the Philippines University, kalahating laro sa likod ng Letran (7-7) sa karera para sa huling Final Four berth.
Sa ikalawang laro, nagposte si Tristan Felebrico ng 17 points at 10 rebounds nang gapiin ng San Sebastian ang Arellano University, 88-75.
Umangat ang Stags sa 4-10, habang bumagsak ang Chiefs sa 5-9, dalawang laro sa labas ng huling Final Four berth.
Kontra sa kanyang dating koponan, pinangunahan ni Allen Liwag ang Benilde na may 15 points at 9 rebounds.
“Siyempre sobrang motivated talaga ako ng doble-doble, kasi sobrang excited ako makalaro yong mga dati kong teammates,” sabi ni Liwag.
“Sobrang natuwa lang din ako sa naging improvement nila kasi ang layo na nila doon sa dati, and grabe nakakatuwa lang talaga makalaro sila ulit sa court,” dagdag pa niya.
Nagtala si Harvey Pagsanjan ng 16 points at 6 rebounds para sa Generals.
Iskor:
Unang laro
Benilde (69) – Liwag 15, Ynot 14, Torres 9, Cometa 7, Eusebio 6, Sangco 5, Ondoa 4, Sanchez 3, Oli 3, Cajucom 3, Morales 0, Ancheta 0, Turco 0, Serrano 0.
EAC (65) – Pagsanjan 16, Quinal 12, Gurtiza 10, Lucero 5, Doromal 5, Loristo 4, Bacud 4, Ochavo 3, Oftana 3, Bagay 3, Angeles 0, Luciano 0, Ednilag 0, Umpad 0.
Quarterscores: 13-20, 34-34, 49-44, 69-65
Ikalawang laro
SSC-R (88) – Felebrico 17, Aguilar 16, R. Gabat 12, Escobido 10, P. Gabat 9, Maliwat 8, Velasco 7, Ramilo 6, Lintol 2, Chuidian 1, Pascual 0, Ricio 0, Suico 0, Cruz 0, Barroga 0.
Arellano (75) – Capulong 14, Abiera 11, Ongotan 10, Vinoya 8, Camay 6, Libang 6, Valencia 5, Hernal 5, Miller 4, Geronimo 3, Borromeo 0, Espiritu 0, Flores 0.
Quarterscores: 22-20, 46-35, 61-57, 88-75