DINISPATSA ng De La Salle-College of St. Benilde at San Sebastian College ang kani-kanilang katunggali upang umangat sa 2-0 kartada at sumosyo sa liderato sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Pinataob ng Blazers ang University of Perpetual Help, 75-63, habang pinulbos ng Stags ang Mapua, 92-68.
Ang Blazers at Stags ay tabla ngayon sa San Beda University sa ibabaw ng standings, habang bumagsak ang Altas at Cardinals sa 1-1 at 0-2 kartada, ayon sa pagkakasunod.
“It was rough,” wika ni CSB coach TY Tang patungkol sa laro, na tinampukan ng pinagsamang 57 fouls. “I guess that’s how playoff games are.”
Nagsanib-puwersa naman sina RK Ilagan at Allyn Bulanadi upang ibigay sa Stags ang ikalawang sunod na panalo.
Kumawala ang San Sebastian sa second quarter na nagbigay sa kanila ng 30-12 bentahe laban sa Mapua, at kinuha ang 46-23 lead papasok sa break. Hindi mapigilan sina Ilagan at Bulanadi kung saan nagtuwang ang dalawa ng 25 points sa first half.
Samantala, nakabawi ang Colegio de San Juan de Letran mula sa mabagal na simula upang gapiin ang Jose Rizal University, 55-43.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Letran matapos ang breakthrough win kontra Arellano University noong nakaraang linggo, at nagbigay sa kanila ng 2-1 record.
Iskor:
Unang laro:
Letran (55) – Batiller 14, Ular 8, Javillonar 7, Balanza 6, Muyang 5, Mina 5, Yu 3, Ambohot 2, Olivario 2, Pambid 2, Balagasay 1
JRU (43) – Dela Rosa 15, Dela Virgen 7, Dionisio 6, Amores 6, Delos Santos 4, Aguilar 3, Jungco 2
QS: 11-6, 30-17, 41-33, 55-43
Ikalawang laro:
San Sebastian (92) – Ilagan 20, Bulanadi 16, Desoyo 14, Villapando 13, Calma 12, Capobres 10, Altamirano 3, Calahat 2, Loristo 2
Mapua (68) – Lugo 13, Victoria 11, Bonifacio 10, Bunag 7, Hernandez 6, Garcia 5, Gonzales 4, Salenga 3, Gamboa 3, Aguirre 2, Serrano 2, Nieles 2
QS: 16-11, 46-23, 68-45, 92-68.
Ikatlong laro:
CSB (75) – Young 14, Belgica 12, Gutang 9, Dixon 8, Flores 7, Leutcheu 7, Naboa 6, Pasturan 5, Carlos 4, Sangco 4
Perpetual (63) – Razon 15, Aurin 12, Charcos 8, Peralta 8, Adamos 6, Cuevas 5, Sevilla 4, Egan 3, Tamayo 2
QS: 14-18, 26-33, 49-41, 75-63
Comments are closed.