PINULBOS ng San Sebastian College ang Emilio Aguinaldo College, 86-65, sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Umangat ang Golden Stags sa 5-2 kartada upang manatiling nakadikit sa league leaders, habang nalasap ng Generals ang ika-8 sunod na pagkatalo sa siyam na laro.
Sa unang laro pinataob ng Saint Benilde College ang Jose Rizal University, 74-66, para sa kanilang ika-6 na panalo sa walong laro. Bumagsak naman ang Heavy Bombers sa 3-6.
Humataw sina Edward Dixon, Prince Carlos, Justin Gutang at Yankie Haruna sa free throw line sa huling 40 segundo ng laro upang tulungan ang Blazers na makabalik sa win column.
“We were in control for the most part of the game. They were very physical, but we’re lucky we’re able to pull off the win,” wika ni acting coach Charles Tiu.
Tumapos si Gutang na may 14 points, 8 rebounds at 2 assists habang nag-ambag sina Dixon at Haruna ng 10 at 9 markers, ayon sa pagkakasunod.
Nanguna naman para sa JRU si Agem Miranda na may 20 points at nagdagdag si John Amores ng 13.
Iskor:
Unang laro:
CSB (74) – Gutang 14, Young 13, Dixon 10, Haruna 9, Belgica 6, Naboa 5, Nayve 5, Leutcheu 4, Carlos 4, Flores 4, Sangco 0
JRU (66) – Miranda 20, Amores 14, Dionisio 13, Delos Santos 6, Arenal 6, Aguilar 4, Dela Rosa 3, Jungco 0, Macatangay 0
QS: 17-12, 28-29, 46-41, 74-66
Ikalawang laro:
San Sebastian (86) – Capobres 20, Bulanadi 14, Calahat 12, Ilagan 11, Villapando 8, Calma 6, Altamirano 5, Desoyo 4, Sumoda 4, Loristo 2, Dela Cruz 0, Tero 0, Cosari 0.
EAC (65) – Gurtiza 16, Maguliano 12, Tampoc 9, Mendoza 8, Luciano 5, Gonzales 5, Taywan 3, Cadua 3, De Guzman 3, Martin 1, Carlos 0, Corilla 0, Estacio 0, Dayrit 0, Boffa 0.
QS: 23-17, 44-29, 60-44, 86-65
Comments are closed.