Mga laro sa Biyernes:
(Filoil EcoOil Centre)
1:30 p.m. – EAC vs Letran
3:30 p.m. – LPU vs Mapua
DINISPATSA ng Jose Rizal University at College of Saint Benilde ang kanikanilang katunggali upang palakasin ang kanilang Final Four bids, habang nalasap ng San Beda ang unang back-to-back defeats sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Pinataob ng Bombers ang upset-conscious Arellano University, 79-74, habang ginapi ng Blazers ang University of Perpetual Help System Dalta, 77-73, upang hilahin ang kanilang winning streak sa tatlong laro.
Nalasap naman ng Red Lions ang 67-75 decision sa San Sebastian.
Umakyat ang JRU sa solo third na may 8-4 record, habang tumabla ang Benilde sa San Beda sa 7-4.
Sa kabila ng krusyal na panalo na nagpalakas din sa tsansa ng Bombers na makuha ang twice-to-beat bonus sa Final Four, patuloy na hinamon ni coach Louie Gonzalez ang kanyang tropa na mag-move forward mula sa larong ito hindi lamang bilang mga indibidwal kundi bilang bahagi ng koponan.
“My challenge to the team right now is to see them as a team. We started as individuals, and they have grown.
With Patrick Ramos and Jonathan Medina back, for us to strength- en our campaign this season, I want to see them grow as a team,” sabi ni Gonzalez.
Nahulog ang Altas at Chiefs sa 4-7 at 2-9 marka, ayon sa pag- kakasunod.
Iskor:
Unang laro:
JRU (79) – Medina 16, Ramos 15, Dela Rosa 12, Guiab 11, De Leon 7, Miranda 6, Sarmiento 4, Delos Santos 2, Pabico 2, Ar- gente 2, Sy 2, Arenal 0, Barrera 0.
Arellano (74) – Talampas 19, Valencia 16, Capulong 11, Mal- lari 10, Geronimo 4, Ongotan 4, Villarente 2, Sunga 2, Yanes 2, Dayrit 2, Dela Cruz 2.
QS: 16-22; 41-42; 62-62; 79-74
Ikalawang laro:
SSC-R (75) – Re. Gabat 18, Calahat 16, Are 14, Felebrico 12, Desoyo 7, Escobido 3, Sumoda 2, De Leon 2, Una 1, Shanoda 0, Cas- tor 0.
San Beda (67) – Puno 16, Cortez 15, Tagle 9, Payosing 7, Gonzales 6, Jopia 6, Cuntapay 5, Alfaro 3, Llanera 0, Visser 0, Gallego 0.
QS: 13-13; 36-28; 60-61; 75-67
Ikatlong laro:
Benilde (77) – Car- los 19, Oczon 18, Go- zum 15, Corteza 7, Cajucom 6, Sangco 4, Turco 4, Marcos 2, Mara 2, Marasigan 0.
Perpetual (73) – Roque 30, Ramon 14, Pagaran 11, Nitura 9, Abis 5, Omega 4, Barcuma 2, Ferreras 1, Gelsano 0, Boral 0, Orgo 0, Nunez 0, Se- villa 0.
QS: 20-14; 36-26; 55-43; 77-73.