Nag-agawan sa bola sina Patrick Ramos ng JRU at Mark de Leon ng SSC-R sa kanilang laro sa NCAA men’s basketball tournament kahapon. NCAA-GMA PHOTO
Standings W L
LPU 6 0
Mapua 4 1
JRU 4 2
San Beda 3 2
Benilde 3 3
EAC 2 2
SSC-R 2 3
Perpetual 1 4
Arellano 1 4
Letran 0 5
GINULANTANG ng San Sebastian ang Jose Rizal University, 72-59, sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Ibinigay ng Stags, natalo ng dalawang sunod, sa kanilang bagong coach na si John Kallos ang pinakamalaking panalo sa NCAA upang umangat sa 2-3 habang pinutol ang three-game winning streak ng Bombers.
Nahulog ang JRU sa third place sa 4-2.
Samantala, naitakas ng College of Saint Benilde ang hard-fought 86-80 victory konta University of Perpetual Help System Dalta para sa kanilang unang winning streak sa season.
Ang panalo ay nagbigay sa Blazers ng 3-3 record para sa ika-5 puwesto sa standings.
Nanguna si Jessie Sumoda para sa San Sebastian na may 15 points sa 7-of-9 shooting mula sa field, umiskor sina Raymart Escobido at Alex Desoyo ng tig-12 points, habang tumapos si Calahat na may 11 points at 8 rebounds.
Nagtala si Agem Miranda, ang leading scorer ng JRU, ng 15 points, 8 boards, 2,assists at 2 steals habang nalimitahan si rookie Shawn Argente sa 2-of-19 shooting para sa 7 points.
Iskor:
Unang laro:
SSC-R (72) – Sumoda 15, Escobido 12, Desoyo 12, Calahat 11, Are 9, Una 6, Shanoda 4, Felebrico 2, Ra. Gabat 1, De Leon 0, Re. Gabat 0, Aguilar 0.
JRU (59) – Miranda 15, Guiab 9, Argente 7, Mosqueda 7, Arenal 6, Pabico 4, Sarmiento 4, Dionisio 2, Delos Santos 1, De Leon 1, Medina 0, Barrera 0, Sy 0.
QS: 9-18, 31-31, 55-46, 72-59
Ikalawang laro:
Benilde (86) – Nayve 20, Oczon 19, Carlos 13, Cajucom 12, Corteza 6, Gozum 6, Turco 4, Sangco 3, Arciaga 2, Marcos 1, Jarque 0, Marasigan 0, Mara 0.
Perpetual (80) – Roque 24, Pagaran 16, Nitura 15, Omega 12, Abis 8, Barcuma 2, Ferreras 2, Razon 1, Cuevas 0, Boral 0, Gelsano 0, Nunez 0, Orgo 0.
QS: 19-18; 39-35; 68-54; 86-80.