NCAA: BOMBERS PINAAMO ANG LIONS

Standings W L
Benilde 5 1
LPU 5 1
JRU 4 2
San Beda 4 2
Arellano 4 3
Perpetual 4 3
Letran 3 3
SSC-R 2 3
EAC 0 6
Mapua 0 7

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Mapua vs Benilde
3 p.m. – Letran vs SSC-R

PINUTOL ng Jose Rizal University ang seven-game losing streak kontra San Beda sa 83-80 panalo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Ang huling pagkakataon na namayani ang Bombers laban sa Red Lions ay noong September 6, 2016 – isang 97-88 second round conquest upang makumpleto ang pambihirang season sweep sa ilalim ng coach noon na si Vergel Meneses.

Natuwa si Louie Gonzalez, ang third year JRU mentor, sa ipinamalas na katatagan ng kanyang tropa bagaman nasayang ang 46-26 lead na nagbigay-daan para makabalik ang San Beda sa second half.

“Siguro nagiging successful kami because we work together,” sabi ni Gonzalez, na kumarera sa ika-4 na sunod na panalo matapos ang 0-2 simula.

Sa ikalawang laro ay naungusan ng University of Perpetual Help System Dalta ang inaalat na Emilio Aguinaldo College, 55-54, upang samahan ang Arellano University sa fifth spot sa 4-3.

Iskor:
Unang laro:
JRU (83) — Miranda 21, Amores 19, Dionisio 16, Guiab 14, Dela Rosa 6, Sy 4, Gonzales 2, Celis 1, Delos Santos 0, Arenal 0, Villarin 0.
San Beda (80) — Bahio 19, Cometa 15, Kwekuteye 14, Ynot 12, Andrada 6, Alfaro 4, Cortez 4, Sanchez 3, Visser 2, Tagala 1, Cuntapay 0, Jopia 0.
QS: 24-16, 49-33, 66-58, 83-80

Ikalawang laro:
Perpetual (55) — Omega 15, Barcuma 10, Razon 8, Aurin 6, Ferreras 5, Martel 3, Cuevas 3, Roque 2, Nitura 2, Egan 1, Abis 0, Orgo 0, Boral 0, Flores 0.
EAC (54) — Tolentino 15, Maguliano 7, Luciano 7, Liwag 5, Robin 4, An. Doria 4, Gurtiza 4, Umpad 4, Bajon 4, Cosa 0, Quinal 0, Cabuhat 0.
QS: 16-12, 41-28, 47-43, 55-54.