NCAA: BUENA MANO SA CHIEFS

PINATAOB ng Arellano University ang Emilio Aguinaldo College, 63-58, para sa buena manong panalo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Huling umabante ang Generals sa 55-53, sa drive ni Kris Gurtiza nang umiskor ang Chiefs ng anim na sunod na puntos, tampok ang lay up ni Shane Menina upang itarak ang four-point lead, may 1:44 ang nalalabi.

Isang three-pointer ni Ralph Robin, may 42.3 segundo ang nalalabi, ang naglapit sa EAC sa 58-59 nang sumagot si Menina sa pagsalpak ng dalawang charities mula sa foul ni JP Maguliano upang bigyan ang Arellano ng 61-58 bentahe.

Tinangka ni Robin na isalba ang Generals sa huling 11 segundo ngunit sumablay ang potential game-tying triple at nakuha ni

Axel Doromal ang rebound.

Na-foul ni Allen Liwag, may 5.1 segundo ang nalalabi, ipinasok ni Doromal ang buffer free throws upang selyuhan ang panalo para sa Chiefs.

Tumapos si Menina na may 15 points at 5 rebounds, nagdagdag si Doromal ng 13 points at 6 boards, habang kumubra si Neil Tolentino ng 10 points at 4 boards para sa Chiefs.

Nagtala si Liwag ng double-double na may 12 points at 13 rebounds na sinamahan ng 3 asssits habang nag-ambag si Nat Cosejo ng 10’points at 6 boards para sa EAC

Iskor:
Arellano (63) — Menina 15, Doromal 13, Tolentino 10, Flores 9, Mantua 5, Oftana 3, Mallari 2, Abastillas 2, Oliva 2, Talampas 2, Sunga 0.
EAC (58) — Liwag 12, Cosejo 10, Maguliano 9, Gurtiza 8, Umpad 8, Luciano 4, Tolentino 4, Robin 3, Balowa 0, An. Doria 0, Ad. Doria 0, Bajon 0.
QS: 14-17, 33-35, 46-47, 63-58.