Laro sa Biyernes:
(Smart Araneta Coliseum)
3 p.m. – San Beda vs LPU
NAG-INIT sina Paolo Hernandez at Clint Escamis at sumandal ang Mapua sa matinding depensa sa fourth quarter upang sibakin ang College of Saint Benilde, 78-67, at kunin ang unang NCAA men’s basketball Finals berth kahapon sa Mall of Asia Arena.
Sinindihan nina Hernandez at Escamis, matalik na magkaibigan magmula pa sa kanilang Red Robins’ days, ang drive ng koponan at nagtuwang para sa16 sa 22 fourth quarter points ng koponan at kinuha ng Cardinals ang isang ticket sa best-of-three championship.
Maghihintay ang Mapua ng ilan pang araw para malaman ang kanilang Finals rival makaraang maipuwersa ng No. 3 San Beda ang decider sa 89-68 rout sa second-ranked Lyceum of the Philippines University.
Nakatakda ang rubber match sa Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos si Hernandez na may 22 points habang tumabo si Escamis, angat sa Rookie-MVP award ngayong season, na may 21 points para sa Cardinals.
Nalimitahan ng depensa ng Mapua si Benilde spitfire guard Migs Oczon sa tatlong puntos lamang sa final quarter makaraang umiskor ng 10 sa first period.
Umabante ang Cardinals sa finals sa ikalawang pagkakataon sa huling tatlong seasons.
“With the help of these two veterans, nagawa namin ito,” sabi ni coach Randy Alcantara patungol sa tandem nina Hernandez at Escamis.
“Depensa nung fourth quarter against Oczon naging susi din.”
May pagkakataon ngayon ang Mapua, natalo sa Letran sa Season 97 championship noong Mayo ng nakaraang taon, na wakasan ang 32-year title drought matapos ang back-to-back crowns noong 1990 at 1991.
“With Clint and Boni (skipper Warren Bonifacio), we’ll do our best makuha this season, tagal na nag aasam Mapua lalo na si coach Randy na kulang na lang ang seniors championship,” sabi ni Hernandez.
Iskor:
Unang laro:
Mapua (78) – Hernandez 22, Escamis 21, Cuenco 10, Bonifacio 9, Soriano 6, Rodillo 4, Recto 3, Asuncion 3, Igliane 0, Fornis 0, Dalisay 0.
Benilde (67) – Oczon 17, Corteza 14, Carlos 10, Gozum 9, Sangco 5, Mara 5, Turco 3, Arciaga 2, Marcos 2, Nayve 0, Cajucom 0, Marasigan 0, Davis 0.
QS: 14-18; 34-37; 56-55; 78-67
Ikalawang laro:
San Beda (89)- Cortez 28, Andrada 12, Gonzales 12, Payosing 9, Puno 7, Visser 6, Tagle 6, Jopia 6, Alfaro 2, Cuntapay 1, Tagala 0, Torres 0.
LPU (68) – Valdez 14, Guadaña 12, Barba 10, Cunanan 9, Umali 8, Villegas 6, Bravo 4, Montaño 3, Omandac 2, Peñafiel 0, Saure 0, Fuentes 0, Versoza 0.
Qs: 22-16; 52-38; 73-60; 89-68.