Standings W L
Letran 3 0
San Beda 3 0
Mapua 2 0
CSB 2 1
SSC-R 1 1
Arellano 1 2
EAC 1 2
Perpetual 1 2
LPU 0 3
JRU 0 3
Mga laro ngayon:
(La Salle Greenhills Gym)
12 noon – SSC-R vs Mapua
3 p.m. – EAC vs CSB
TARGET ng Mapua na maipuwersa ang ‘three-way’ tie sa liderato, habang asam ng College of Saint Benilde ang ikatlong sunod na panalo sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa La Salle Greenhills Gym.
Sisikapin ng Cardinals na mahila ang kanilang perfect run sa tatlong laro kontra San Sebastian sa alas-12 ng tanghali, habang haharapin ng Blazers ang Emilio Aguinaldo College sa alas-3 ng hapon.
Sa 2-0, ang third-running Mapua ay kalahating laro lamang ang pagitan sa co-leaders Letran at San Beda, habang ang CSB (2-1) ay nasa ika-4 na puwesto.
Handa si Cardinals coach Randy Alcantara para sa defensive battle sa Stags, na may 1-1 record sa season.
“Kailangang maging maayos kami sa mga decision-making namin,” sabi ni Alcantara makaraang malusutan ng Mapua ang Jose Rizal University, 59-56, noong Linggo. “Minsan may mga hurried shots, nawala ‘yung mga extra passes namin noong early part of fourth quarter (against the Bombers). Doon kami nanalo sa first game (against EAC). Dapat maibalik iyon. Mabuti nga at hindi bumitaw sa depensa.”
Matapos ang dikit na pagkatalo sa Arellano University, ang San Sebastian ay pumasok sa win column sa pamamagitan ng 63-58 pagdispatsa sa University of Perpetual Help System Dalta noong Biyernes.
Mataas ang pagtingin sa Cardinals, nais ni coach Egay Macaraya na pataasin pa ng Stags ang lebel ng kanilang paglalaro kung gusto nilang manatili sa upper half ng standings.
“Ang lakas ng Mapua. Alam ninyo naman mga beterano na iyon. Sa inilalaro nila, we will try to just do what’s best for us. Maganda pa rin ang defense namin and who knows? May bonus akong offensive guys,” ani Macaraya.
Sa ilalim ng bagong coach na si Charles Tiu, maganda ang simula ng Blazers makaraang magwagi ng dalawang sunod matapos ang opening day loss sa back-to-back title-seeking Knights.
“I guess I’m happy with every win, you know. Thank God, thanking the Lord in every win we can get,” sabi ni Tiu. “Yeah I’m still a little bit upset about losing to Letran when we had a chance to win that game.
“At this point we are happy from where we are. We will take any game we can. Our focus is to play better every game. Hopefully we could continue to play better,” dagdag pa niya.