NCAA: CARDINALS TUMATAG SA NO. 2, PIRATES SOSYO SA NO. 4

Standings W L
Benilde 8 2
Mapua 8 3
San Beda 7 4
Letran 6 5
LPU 6 5
EAC 5 6
Perpetual 5 6
JRU 3 7
Arellano 3 7
SSC-R 2 8

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Arellano vs Benilde
2:30 p.m. – JRU vs SSC-R

ISINALPAK ni Greg Cunanan ang game-winning triple, may 8.6 segundo ang nalalabi, at natakasan ng Lyceum of the Philippines University ang defending champion San Beda, 64-62, upang sumalo sa fourth place sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

May tsansa ang Red Lions na sumagot ngunit nabigo makaraang mawala kay Bryan Sajonia ang bola sa isang fast break play, na nagbigay-daan para maitakas ng Pirates ang panalo.

“Patay na ‘yung shot clock. E nakita ako ni (John) Barba and libre ako. Kahit nagmimintis ako sa una, e open ako, tinira ko na talaga. Ngayon pasok naman, sa awa ng Diyos nakapasok,” wika ni Cunanan, na tumapos na may 11 points.

“Kilala naman ‘yung team namin na hindi talaga naggigive up hanggang sa final buzzer. Kaya laban lang talaga kahit na lamang, laban pa rin kami. So binigay din namin yung best namin hanggang dulo,” dagdag pa niya.

Umangat ang LPU sa 6-5 katabla ang fourth-running Letran, habang nahulog ang San Beda sa 7-4 sa third place.

Sa isa ring exciting second game, ipinasok ni Marc Cuenco ang game-winning triple sa huling 15.2 segundo at ginapi ng Mapua ang Emilio Aguinaldo College, 82-79, upang manatili sa second spot na may 8-3 kartada.

Umiskor si Cunanan ng two-pointers sa huling 32.1 segundo at nakipagpalitan ng puntos kay Penny Estacio. Bago ang dalawang clutch three, si Cunanan ay 4-of-41 lamang ngayong season mula sa arc.

Si Estacio ay may back-to-back triples, ang ikalawa ay nagbigay sa Red Lions ng 62-61 bentahe, may 21 segundo ang nalalabi.

“We cannot win this game kung hindi kami magiging aggressive,” wika ni Pirates coach Gilbert Malabanan.

Si Gyle Montaño ang isa pang LPU player sa double digits na may 12 points.

Nanguna si reigning MVP Clint Escamis para sa Cardinals na may 23 points, 6 rebounds at 2 assists habang nagdagdag si Cuenco ng 16 points, 6 boards, 3 assists at 2 steals.

Nahulog ang Generals sa 5-6, isang laro sa labas ng No. 4 spot.

Iskor:
Unang laro
LPU (64) – Montaño 12, Cunanan 11, Bravo 9, Daileg 7, Villegas 6, Aviles 5, Barba 4, Peñafiel 4, Panelo 2, Versoza 2, Gordon 2, Moralejo 0, Pallingayan 0.

San Beda (62) – Lina 12, Andrada 11, Puno 10, Sajonia 8, Estacio 8, Payosing 6, Tagle 5, Songcuya 2, Gonzales 0, Celzo 0, RC Calimag 0, Royo 0.

Quarterscores: 12-20, 31-32, 44-44, 64-62

Ikalawang laro
Mapua (82) – Escamis 23, Cuenco 16, Hubilla 16, Mangubat 10, Recto 7, Concepcion 4, Garcia 3, Igliane 3, Agemenyi 0, Ryan 0, Fermin 0, Pantaleon 0, Abdulla 0.

EAC (79) – Pagsanjan 17, Gurtiza 14, Quinal 10, Bagay 8, Jacob 7, Oftana 6, Manacho 5, Lucero 4, Ochavo 2, Bacud 2, Loristo 2, Lucero 2, Devera 0, Postanes 0, Umpad 0.

Quarterscores: 19-21, 46-44, 63-57, 82-79