NCAA CHESS: CSB HUMIGPIT ANG KAPIT SA LIDERATO

CHESS

TUMATAG ang College of Saint Benilde sa top spot sa seniors division ng  95th NCAA chess tournament nitong weekend sa San Beda University.

Bago ang Round 8 bye noong Linggo, binokya ng defending champion Blazers ang Jose Rizal University, 4-0, noong Sabado para makakolekta ng 23.5 points.

Nasa likod ng St. Benilde ang second-running San Beda, na magkasunod na tinalo ang University of Perpetual Help System Dalta, 2.5-1.5, at Letran, 3-1, para sa 22 points.

Ang Altas, nagkasya sa 2-2 Round 8 stalemate sa Arellano University, ay nasa ikatlong puwesto na may 16.5 points.

Samantala, nanatili ang Juniors titleholder Perpetual Help sa liderato na may  eight-round total 25.5 points makaraang gapiin ang  San Beda, 2.5-1.5, at Arellano, 3-1.

Bumawi ang Junior Red Woodpushers mula sa Round 7 loss sa Junior Altas sa pamamagitan ng 3-1 pagbasura sa Squires upang manatili sa ikalawang puwesto na may 23.5 points.

Umangat ang Lyceum of the Philippines University, na namayani sa Letran, 3-1, at JRU, 4-0, sa 22.5 points sa ikatlong puwesto.

Comments are closed.