NCAA: CHIEFS, STAGS BUMAWI

Standings             W    L

Letran   4     0

San Beda             4     0

CSB                       4      1

Mapua  3     2

Perpetual             2     3

EAC                       2     3

Arellano               2     3

SSC-R     1     3

LPU                       1      3

JRU                       0     5

 

Mga laro bukas:

(La Salle Greenhills Gym)

3 p.m. – JRU vs CSB

PINUTOL ng Arellano University ang three-game slide sa pamamagitan ng 72-63 panalo laban sa Mapua sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa La Salle Greenhills Gym.

Naitala ni Justin Arana ang12 sa kanyang 17 points sa second half, at kumalawit ng 15 rebounds para sa Chiefs na nalusutan ang late rally ng Cardinals para makatabla ang kanilang biktima sa 2-3.

“Salamat at nakaahon din,” wika ni Arellano coach Cholo Martin. “Iyon ang ipinaglalaban ng mga bata, ‘yung umangat kami sa standings.”

Makaraang magsimula sa  3-0, Ang Mapua ay natalo ng dalawang sunod para manatili sa fourth place.

“Sobrang saya namin ngayon kasi nga frustrated kami kasi sunod-sunod nga talo namin,” sabi ni Arana, na nagtala rin ng 3 assists at 3 steals.

Nagbanta ang Cardinals sa 60-62, may 4:11 ang nalalabi, nang magpasabog si Arana ng 6 points sa 10-0 lead ng Chiefs para lumayo sa 72-60.

Sinisiguro ni Martin na naaalagaan si  Arana, na naglaro ng season-high 36 minutes, dahil nagpapagaling pa siya mula sa right knee sprain na kanyang natamo sa season-opening win ng Arellano kontra San Sebastian.

“Kailangan ko munang mag-focus sa strengthening and therapy. Siguro sa practice, ingat na lang muna, mahirap na baka matuluyan,” ani Arana, na mayroon na ngayong apat na  double-doubles sa season.

“Okay naman ang strengthening ng tuhod ko. Siyempre kailangan kong ibuhos lahat dito sa laro kasi ito na ang hinihintay namin,” dagdag pa niya.

Nagdagdag si Jordan Sta. Ana ng 15 points, 7 assists at 4 rebounds habang tumipa si Kai Oliva ng 10 points para sa Chiefs.

Kumubra si Warren Bonifacio ng 11 points at 10 boards para pangunahan ang Mapua.

Sa ikalawang laro ay pinataob ng San Sebastian College-Recoletos ang Lyceum of the Philippines University, 83-71.

Sa panalo ay umangat ang Stags sa 2-3, dalawang araw makaraan ang masaklap na 61-60 pagkatalo sa San Beda Red Lions, habang bunagsak ang Lyceum sa 1-4.

Iskor:

Unang laro:

Arellano (72) — Arana 17, Sta. Ana 15, Oliva 10, Doromal 9, Carandang 6, Sablan 4, Uri 4, Caballero 3, Cruz 2, Dela Cruz 2, Valencia 0.

Mapua (63) — Bonifacio 11, Pido 9, Nocum 9, Garcia 8, Agustin 7, Garcia 7, Hernandez 7, Lacap 0, Mercado 0, Asuncion 0, Sual 0, Salenga 0, Milan 0.

QS: 23-19, 41-35, 56-48, 72-63

Ikalawang laro:

SSC-R (83) — Calma 23, Calahat 15, Villapando 12, Sumoda 8, Una 8, Dela Cruz 5, Gabat 4, Shanoda 4, Felebrico 2, Cosari 2, Desoyo 0, Abarquez 0.

LPU (71) — Larupay 14, Valdez 12, Navarro 11, Guinto 8, Bravo 7, Guadaña 7, Remulla 4, Cunanan 2, Garro 2, Umali 2, Barba 2.

QS: 23-20, 46-29, 61-51, 83-71