NCAA: EAC, LYCEUM MAINIT ANG SIMULA SA SECOND ROUND

Standings W L
Benilde 7 2
San Beda 6 3
Mapua 6 3
Letran 6 4
EAC 5 5
LPU 5 5
Perpetual 4 6
JRU 3 6
Arellano 3 6
SSC-R 2 7

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
11 a.m. – San Beda vs Arellano
2:30 p.m. – Mapua vs JRU

NALUSUTAN ng Emilio Aguinaldo College ang 24-point deficit upang gapiin ang University of Perpetual Help System Dalta, 78-70, habang pinataob ng Lyceum of the Philippines University ang Letran, 91-68, sa pagsisimula ng second round ng NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Ang mga panalo ng Generals at Pirates, ang kanilang ika-5 sa 10 laro, ay naglagay sa kanila sa likuran ng fourth-running Knights (6-4) sa karera para sa huling Final Four berth.

Ang second unit ng EAC ang humabol mula sa 20-44 deficit na naging susi sa come-from-behind win. Naiganti ng Generals ang kanilang 67-73 pagkatalo sa Altas sa first round.

“We were just lucky that we were able to overcome the lead and we won,” pahayag ni EAC coach Jerson Cabiltes sa broadcaster GTV. “Good thing nakabawi kami this round.”

Nanguna si King Gurtiza para sa Generals na may 21 points, tumipa si Wilmar Oftana ng 12 points at 8 rebounds habang umiskor si Gelo Loristo ng 10 points.

Nahulog sa seventh place sa 4-6, ang Perpetual ay nanganganib na hindi makapuwesto sa Final Four.

Samantala, pinangunahan nina John Barba at Renz Villegas ang LPU sa pagganti sa kanilang 66-78 first-round loss sa Letran.

“After ng first round namin against Letran na natalo kami, nag-team building kami sa LPU Cavite, and doon namin pinag-usapan yong dapat naming gawin. Doon kami nag-prepare,” ani Barba.

Iskor:
Unang laro
LPU (91) – Villegas 23, Barba 19, Montaño 16, Bravo 10, Versoza 7, Aviles 5, Cunanan 4, Peñafiel 4, Daileg 3, Moralejo 0, Paulo 0, Gordon 0, Panelo 0, Pallingayan 0.

Letran (68) – Cuajao 16, Estrada, 11, Javillonar 10, Miller 9, Monje 9, Santos 8, Nunag 2, Delfino 2, Montecillo 1, Baliling 0, Pradella 0.

Quarterscores: 21-21, 49-43, 70-61, 91-68

Ikalawang laro
EAC (78) – Gurtiza 21, Oftana 12, Loristo 10, Quinal 9, Pagsanjan 7, Ochavo 6, Umpad 4, Lucero 3, Bagay 3, Angeles 2, Manacho 1, Devera 0, Jacob 0, Bacud 0, Lucero 0.

Perpetual (70) – Orgo 16, Abis 14, Pagaran 10, Gojo Cruz 8, Montemayor 7, Nunez 5, Gelsano 5, Boral 3, Manuel 2, Cauguiran 0.

Quarterscores: 16-21, 36-46, 57-58, 78-70