NCAA: EAC PINUTOL ANG 27-GAME LOSING STREAK VS SAN BEDA

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Perpetual vs Benilde
2:30 p.m. – JRU vs SSC-R

PINUTOL ng Emilio Aguinaldo College ang 27-game losing streak laban sa NCAA men’s basketball powerhouse at defending champion San Beda sa 68-55 panalo kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Sa breakthrough win, ang una sa 28 pagtatangka, ang Generals ay umangat sa 2-2 record upang makatabla ang Red Lions sa sixth place.

Magmula nang lumahok sa liga noong 2009, ang EAC ay hindi pa nananalo sa San Beda at kahapon ay ang hindi malilimutang sandali ng koponan.

Dinomina ng Generals ang unang tatlong quarters at napigilan ang paghahabol ng Red Lions sa kabila na umiskor lamang ng 5 points sa huling 10 minuto ng laro upang mamayani.

Nauna rito, pinangunahan ni Pao Javillonar, nagbalik mula sa two-game ban, ang Letran sa 86-79 panalo kontra Arellano University.

Naipuwersa ang four-way tie sa second place sa 2-1, napantayan na ng Knights ang kanilang kabuusn noong nakaraang taon, nang tapusin ng Intramuros-based dribblers ang kanilang worst season sa kasaysayan ng eskuwelahan na may 2-16 record.

Katabla ngayon ng Letran ang Mapua at University of Perpetual Help System Dalta, isa laro sa likod ng College of Saint Benilde, ang tanging unbeaten team na may 3-0 kartada.

Nanguna si Harvey Pagsanjan para sa EAC na may 14 points at 7 rebounds habang nagdagdag si JC Luciano ng 13 points at 8 boards.

Iskor:
Unang laro
Letran (86) – Javillonar 28, Estrada 14, Miller 11, Cuajao 6, Go 6, Monje 5, Dimaano 5, Jumao-as 4, Nunag 4, Montecillo 2, Delfino 1, Pradella 0, Santos 0, Tagotongan 0.

Arellano (79) – Vinoya 16, Hernal 11, Capulong 11, Abiera 10, Ongotan 10, Geronimo 7, Valencia 6, Camay 4, Borromeo 2, Libang 2, De Leon 0, Acop 0, W. Miller 0, Espiritu 0.

Quarterscores: 28-26, 46-54, 63-69, 86-79

Ikalawang laro
EAC (68) – Pagsanjan 14, Luciano 13, Gurtiza 9, Oftana 9, Doromal 6, Quinal 5, Ochavo 4, Bagay 4, Loristo 2, Lucero 2, Angeles 0, Bacud 0, Umpad 0.

San Beda (55) – Andrada 12, Puno 9, Tagle 7, Royo 5, Payosing 3, Ri. Calimag 3, Estacio 3, Songcuya 3, Sajonia 3, Celzo 3, RC Calimag 3, Gonzales 1, Jalbuena 0, Tagala 0.

Quarterscores: 21-14, 36-23, 63-35, 68-55