NCAA: ‘FINAL FOUR’ BID PINALAKAS NG SAN BEDA

NAG-AGAWAN sa bola sina James Payoding ng San Beda at Louie delos ­Santos ng JRU sa kainitan ng kanilang laro sa NCAA men’s basketball tournament ­kahapon sa Filoil EcoOil Arena. Kuha ni RUDY ESPERAS

Standings            W   L
*Mapua                 14   3
*LPU                     12   4
Benilde                 10   6
San Beda             10   6
JRU                      10   7
Perpetual              9     8
EAC                      8     9
SSC-R                  5   11
Arellano                2   14
Letran                   2   14

*Final Four

Mga laro ngayon.

(Filoil EcoOil Centre)

12 noon – Arellano vs LPU

2 p.m. – Benilde vs Letran

DINISPATSA ng San Beda ang Jose Rizal University, 74-69, at pinalakas ang kanilang NCAA men’s basketball Final Four bid kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Ito ang ikalawang sunod na panalo at ika-10 sa kabuuan sa 16 laro ng  Red Lions, na sinisikap na mapanatiling buhay ang kanilang Final Four streak na nagsimula noong 2006.

May 10-6 record, ang San Beda ay sumalo sa  ikatlong puwesto sa College of Saint Benilde. Ang Red Lions ay angat ngayon sa Bombers, na nahulog sa No. 5 na may 10-7 marka, ng kalahating laro sa karera para sa huling Final Four berth.

“It’s a big win for us. Again hats off to the players that they are the ones that gave it their all. If it helped us get to the Final Four okay sa amin, pero sabi ko nga focus ko lang is one game at a time, play as hard as we can, whatever the result is as long as we did what we’re supposed to do okay na ako diyan,” sabi ni San Beda coach Yuri Escueta.

Susunod na makakaharap ng Mendiola-based squad ang top-ranked Mapua sa potential Final Four preview sa Miyerkoles.

Sa ikalawang laro, sinibak ng University of Perpetual Help System Dalta ang Emilio Aguinaldo College sa Final Four contention sa 86-80 panalo.

Umangat ang sixth-running Altas, na target na makapasok sa Final Four via playoff, sa 9-8, 1 1/2 games ang agwat sa last spot.

Matapos ang promising start, tumukod ang Generals at nalasap ang kanilang ika-9 na kabiguan sa 17 games.

Iskor:

Unang laro:

San Beda (74) – Andrada 18, Puno 13, Cortez 12, Payosing 12, Gonzales 6, Alfaro 6, Royo 3, Jopia 2, Visser 2, Cuntapay 0, Tagle 0.

JRU (69) – Delos Santos 15, Argente 15, Guiab 10, Dela Rosa 10, Dionisio 7, Miranda 6, Medina 2, Sarmiento 2, De Leon 2, Arenal 0, Sy 0, Sy 0, Ramos 0, Pabico 0, Mosqueda 0.

QS: 20-16; 41-35; 59-51; 74-69

Ikalawang laro:

Perpetual (86) – Razon 22, Roque 14, Pagaran 12, Abis 8, Nunez 7, Nitura 6, Omega 4, Boral 4, Ferreras 3, Barcuma 2, Sebilla 2, Gelsano 2, Orgo 0, Cuevas 0, Movida 0.

EAC (80) – Maguliano 23, Gurtiza 15, Ochavo 14, Robin 10, Cosejo 7, Quinal 5, Doria 4, Luciano 1, Angeles 1, Tolentino 0, Loristo 0, Umpad 0, Cosa 0, Balowa 0.

QS: 24-11; 45-25; 69-54; 86-80.