NCAA: GENERALS PINALAKAS ANG FINAL FOUR BID

Standings W L
*Benilde 12 2
*Mapua 11 3
San Beda 9 5
EAC 7 7
Letran 7 8
LPU 6 8
Perpetual 6 9
Arellano 5 9
JRU 4 10
SSC-R 4 10
*Final Four

Mga laro sa Martes:
(Filoil EcoOil Centre)
11 a.m. – LPU vs SSC-R
2:30 p.m. – JRU vs Arellano

LUMAKAS ang tsansa ng Emilio Aguinaldo College na makopo ang breakthrough NCAA men’s basketball Final Four stint matapos ang krusyal na 68-58 panalo laban sa Letran kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Ang panalo ay krusyal para sa Generals, na nanalo sa apat sa kanilang huling anim na laro at umakyat sa 7-7 kartada, kalahating laro ang angat sa Knights para sa coveted fourth spot.

“It’s a vital game against Letran. Talagang nag-focus kami sa Letran because we cannot lose today. Sabi ko sa players, kung tingin mo matatalo ka, isipin mo refuse to lose,” sabi ni second-year EAC coach Jerson Cabiltes.

Sa ikalawang laro ay dinispatsa ng Final Four-bound College of Saint Benilde ang University of Perpetual Help System Dalta, 61-56.

Ito ang ika-6 na sunod na panalo ng Blazers para sa kanilang league-best record na 12-2.

Nakalikom si Harvey Pagsanjan ng 13 points, 5 assists, at 3 rebounds, habang nagdagdag si Kyle Ochavo ng 10 points para sa Generals.

“As a leader, ‘yung aggressiveness dapat sa akin nagsisimula,” sabi ni Pagsanjan.

Nag-ambag si King Gurtiza ng 9 points lamang sa 4-of-15 shooting, subalit nakatulong pa rin sa depensa, nalimitahan sina Jimboy Estrada sa 10 points sa 3-of-9 shooting at Deo Cuajao sa 9 points sa 4-of-14 clip.

“Talagang ni-limit namin si Jimboy at Cuajao. We limited their touches,” ani Cabiltes.

Sisikapin ng EAC na mapanatili ang kanilang momentum sa Miyerkoles laban sa defending champion San Beda.

Tinapos ng Generals ang 27-game losing streak sa Red Lions sa first round.

Nagpahayag si coach Charles Tiu ng pagkabigo sa kawalan ng kakayahan ng kanyang koponan na magtapos nang matikas, at sinabing may nagpapatuloy na isyu na inaasahan ng Blazers na matugunan bago ang Final Four.

“We haven’t been closing out games well the last two outings, and it’s something we definitely need to fix. I’m not satisfied with how we’re ending games,” ani Tiu.

Sisikapin ng Letran na makabalik sa trangko at manatili sa Final Four kontra Benilde sa Nob. 8.

Iskor:
Unang laro
EAC (68) – Pagsanjan 13, Ochavo 10, Loristo 9, Gurtiza 9, Oftana 8, Quinal 6, Jacob 4, Ednilag 3, Doromal 2, Lucero 2, Bacud 2, Bagay 0, Luciano 0.

Letran (58) – Estrada 10, Nunag 10, Cuajao 9, Monje 7, Miller 6, Montecillo 5, Javillonar 4, Baliling 3, Dimaano 2, Jumao-as 2, Delfino 0.

Quarterscores: 15-11, 33-29, 54-45, 68-58

Ikalawang laro
Benilde (61) – Sanchez 16, Liwag 10, Torres 6, Sangco 5, Oli 5, Cometa 5, Turco 5, Ynot 4, Eusebio 2, Jarque 2, Ondoa 1, Ancheta 0, Morales 0, Cajucom 0.

Perpetual (56) – Pagaran 18, Gojo Cruz 15, Boral 5, Manuel 5, Abis 4, Pizarro 3, Movida 2, Nuñez 2, Gelsao 2, Thompson 0, Montemayor 0.

Quarterscores: 20-12, 38-22, 51-34, 61-56