NCAA: JRU, MAPUA MAGKAKASUBUKAN

NCAA

Mga laro ngayon:

(Jose Rizal Gym, Mandaluyong)

2 p.m.- JRU vs Mapua (jrs)

4 p.m.- JRU vs Mapua (srs)

SASANDAL ang Jose Rizal University at ang Mapua sa kanilang bagong recruits upang palakasin ang kanilang kampanya at makisalo sa liderato sa powerhouse San Beda at Lyceum of the Philippines sa kanilang bakbakan sa 94th NCAA basketball tournament ngayon sa Jose Rizal Gym sa Mandaluyong City.

Sisikapin ng Bombers at Cardinals  na simulan ang bagong kabanata sa kanilang rebuilding life sa pamamagitan ng panalo sa kanilang salpukan sa alas-4 ng hapon sa una sa limang ‘NCAA on Tour’ games.

Nawala na sa lineup ng JRU sina Teytey Teodoro, AbdulRazak AbdulWahab, Abdel Poutouchi at John Grospe, at pupunan ito ngayon ng batang koponan, sa pangunguna nina remnants Mark dela Virgen, Jed Mendoza, Darius Estrella at  Aaron Bordon.

Samantala, ang Mapua ay nasa ikalawang taon na ng rebuilding matapos mawala ang ­ilang players sa post Allwell Oraemeera noong nakaraang season sa pangunguna ni Christian Bunag habang idinagdag sina Warren Bonifacio at Jasper Salanga mula sa high school program  nito at si Noah Lugo mula sa Lyceum of the Phl U upang palakasin ang kanilang batang lineup.

“We have some new players coming in and we feel they will help us in our campaign,” wika ni Mapua mentor Atoy Co, na ang koponan ay nangulelat sa ika-10 puwesto na may 3-15 record noong nakaraang season.

“I’m very optimistic we will improve on our performance last year,” aniya.

Sinabi ni JRU coach Vergel Meneses na hindi sila kasing kumpiyansa noong nakaraang taon kung saan umabot sila sa ‘Final Four’ at kalaunan ay nagtapos sa ikatlong puwesto.

“It will be a tough season for us but we will try to compete even though we’re really a young team,” sabi ni JRU coach Vergel Meneses.

Comments are closed.