NCAA: KAPIT SA NO.4 HIHIGPITAN NG STAGS

NCAA

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – EAC vs CSB (Men)

2 p.m. – LPU vs SSC-R (Men)

4 p.m. – JRU vs Perpetual (Men)

MAPAPALABAN ang San Sebastian, umaasa na makalalayo sa pinakamahigpit na katunggaling Mapua sa karera para sa hu­ling Final Four berth, sa Lyceum of the ­Philippines University sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Ang panalo laban sa Pirates sa 2 p.m. match ay magbibigay sa Stags (8-6) ng two-game cushion laban sa walang larong Cardinals (7-8).

Umaasa si coach Egay Macaraya na malusog ang kanyang tropa para makipagsabayan sa LPU, na target ang No. 2 ranking sa Final Four o sa step-ladder format sakaling makumpleto ng defending champion San Beda ang 18-0 sweep sa eliminations.

“Very hard. Especially coming off game like this,” ani Macaraya, patungkol sa mahirap na  62-59 panalo laban sa Jose Rizal University noong Huwebes.

Wala pang talo ang Pirates sa second round at may 12-3 record sa kabuuan upang manatili sa kontensiyon para sa isa pang championship round stint.

“We need everybody to stop LPU. With the way they are playing right now, yung winning streak nila. With Mike Nzeusseu and the Marcelino brothers (Jaycee and Jayvee). We know na lahat naman sila talaga, magagaling,” pahayag ni Macaraya.

Sisikapin naman ng College of Saint Benilde, dalawang laro ang pagitan sa San Sebastian para sa No. 4 spot, na mapanatiling buhay ang kanilang maliit na pag-asa sa Final Four sa pag­harap sa also-ran Emilio Aguinaldo College sa alas-12 ng tanghali.

Nasa ika-6 na puwesto sa 6-8, ang Bla­zers ay hindi na ­maaaring matalo kung gusto nilang umabante sa susunod na round.

Sa huling laro ng tripleheader sa alas-4 ng hapon ay magpapambuno ang University of Perpetual Help System Dalta at JRU.

Comments are closed.