NCAA: KAPIT SA NO.4 HIHIGPITAN NG STAGS

Stags

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – Mapua vs Perpetual (Men)

2 p.m. – SSC-R vs Arellano (Men)

4 p.m. – CSB vs JRU (Men)

UMAASA ang San Sebastian na magiging paborable sa kanilang panig ang lahat sa karera para sa nalalabing semifinals berth sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Target ng Stags ang kanilang ika-10 panalo laban sa also-ran Arellano University sa alas-2 ng hapon.

Subalit ang panalo ay hindi magbibigay ng garantiya sa San Sebastian para sa isang semis slot dahil ang tagumpay ng Mapua kontra University of Perpetual Help System Dalta sa alas-12 ng tanghali ay magpapanatili sa karera para sa No. 4 slot na nakabitin.

May 9-7 kartada, ang Stags ay angat ng isang buog laro sa fifth-running Cardinals (8-8).

Makakaharap ng College of Saint Benilde, nasa ika-6 na puwesto na may 7-9 marka, ang Jose Rizal University sa huling laro ng isa pang tri-pleheader sa alas-4 ng hapon.

Maliit lamang ang tsansa ng Blazers na makapasok sa semifinals via  backdoor at masisibak ang St. Benilde kapag namayani ang San Sebastian sa ikalawang laro.

Nakumpleto na sana ng San Sebastian ang Final Four cast noong nakaraang linggo, subalit nalasap ang 73-90 decision sa Mapua noong nakaraang Huwebes.

Nabuhay ang kampanya, sisikapin ng Cardinals na mawalis ang kanilang huling dalawang laro upang mapuwersa ang playoff para sa No. 4 slot  o makopo ang huiling semis berth kapag natalo ang Stags sa kanilang mga nala­labing laro.

Comments are closed.