Standings W L
Benilde 7 1
LPU 7 2
JRU 5 2
San Beda 6 3
Letran 6 3
Perpetual 4 5
Arellano 4 5
SSC-R 2 5
Mapua 1 8
EAC 0 8
Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
3 p.m. – SSC-R vs EAC
NAGTALA ang defending champion Letran at San Beda ng contrasting victories upang manatiling magkasalo sa ika-4 na puwesto sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Tinapos ng Knights ang kanilang first round campaign sa 72-68 panalo kontra Emilio Aguinaldo College, habang tinambakan ng Red Lions ang University of Perpetual Help System Dalta, 71-52.
May magkatulad na 6-3 records, ang Letran at San Beda ay nanatili sa likod ng College of Saint Benilde (7-1), Lyceum of the Philippines University (7-2) at Jose Rizal University (5-2).
Umaasa ang Knights na magiging mas mahusay na koponan sa second round.
“Magtatrabaho pa rin kami in this break. Hopefully in the upcoming games, sana manalo kami at magtuloy-tuloy pa,” sabi ni Brent Paraiso, na tumapos na may 15 points, 9 rebounds at 2 assists.
“Siyempre malaki ang pressure sa amin dahil nawala sina Rhenz (Abando), Jeo (Ambohot) at Allen (Mina). Kailangang mag-work as a team now. Last year para kaming All-Star. ‘Yung third stringer, puwedeng first five sa ibang team. Ngayon kulang-kulang kami.”
Nagbanta ang Generals sa 68-70 makaraang isalpak ni Mac Balowa ang isang three-pointer, may 1:04 sa orasan.
Makaraang gumawa si King Caralipio ng travelling violation, tinangka ng EAC na baligtarin ang sitwasyon ngunit nagmintis si Allen Liwag sa go-ahead triple.
Nasayang ng Generals ang isa pang pagkakataon na itabla ang laro nang sumablay si Fran Yu sa one-legged jumper, ngunit nawalan ng kontrol si JP Maguliano habang nagda-drive sa basket.
Sinelyuhan ni Kurt Reyson ang panalo ng Letran nang isalpak ang dalawang free throws mula sa foul ni Ralph Bajon, may 4.1 segundo ang nalalabi.
“Sinabi namin noong timeout na huwag kami bibitaw. Lalaban tayo hanggang dulo kasi last game na ng first round tsaka mahaba ang pahinga para masarap ang pahinga namin. Iyon ang iniisip namin coming into this game,” sabi ni Paraiso.
Nanguna si Caralipio para sa Letran na may 16 points at 7 rebounds habang nag-ambag si Reyson ng 13 points, 4 steals, 3 rebounds at 2 assists.
Iskor:
Unang laro:
Letran (72) — Caralipio 16, Paraiso 15, Reyson 13, Yu 7, Monje 6, Javillonar 5, Santos 4, Sangalang 2, Olivario 2, Go 2, Bautista 0, Guarino 0.
EAC (68) — Liwag 20, Ad. Doria 16, Balowa 15, Bajon 6, Maguliano 6, Cosejo 4, Angeles 1, Luciano 0, Quinal 0, An. Doria 0, Umpad 0, Bacud 0, Dominguez 0.
QS: 28-18, 43-37, 58-54, 72-68
Ikalawang laro:
San Beda (71) — Bahio 16, Kwekuteye 12, Sanchez 12, Ynot 7, Andrada 6, Alfaro 5, Cometa 5, Jopia 5, Payosing 2, Tagle 1, Cuntapay 0, Visser 0, Alloso 0, Tagala 0.
Perpetual (52) — Boral 14, Aurin 10, Barcuma 7, Razon 5, Ferreras 5, Martel 4, Omega 2, Abis 2, Flores 2, Nitura 1, Egan 0, Orgo 0, Cuevas 0, Roque 0.
QS: 25-11, 36-24, 56-39, 71-52.