NCAA: KNIGHTS PASOK NA SA ‘F4’; LIONS NAUNSIYAMI

Standings                            W   L

Letran                  7     0

San Beda                            6     1

Mapua                 6     2

CSB                       5     3

EAC                       3     4

SSC-R                    3     5

Perpetual                            2     5

LPU                       2     5

Arellano                              2     5

JRU                       1     6

 

Mga laro ngayon:

(La Salle Greenhills Gym)

12 noon – LPU vs Perpetual

3 p.m. – Arellano vs EAC

PINANGUNAHAN ni Brent Paraiso ang second quarter rally ng Colegio de San Juan de Letran tungo sa lopsided 81-59 victory kontra Jose Rizal University upang manatiling walang talo at awtomatikong umabante sa Final 4 sa men’s basketball tournament kahapon sa La Salle Greenhills Gym.

Sa panalo, ang Letran ay naging nag-iisang koponan na walang dungis sa 7-0 habang pormal na nasibak sa kontensiyon ang JRU na may 1-7 marka.

Naitala ni Paraiso ang lahat ng kanyang 12 points, kabilang ang tatlong  three-pointers, sa isang dominating first half performance para sa Knights kung saan naitarak nila ang 35-18 kalamangan.

Sa unang laro ay kumana si Paolo Hernandez ng double-double sa isang reserve role upang tulungan ang Mapua na pigilan ang San Beda sa pagmartsa sa Final Four sa pamamagitan ng 68-54 panalo.

Ipinalasap sa Red Lions ang kanilang unang kabiguan at pinanatiling buhay ang pag-asa ng Cardinals para sa outright Final Four berth, kuminang si Hernandez mula sa bench na may 14 points at 13 rebounds.

“Lagi akong ready, mapa-first stringer or second stringer man,” sabi ni  Hernandez, na nagtala rin ng 2 assists at 2 steals sa 29 minutong paglalaro.

Dahil hawak ng Mapua ang tiebreaker kontra San Beda sakaling magtabla ang dalawang koponan sa No. 2 sa pagtatapos ng elimination round, umaasa si Hernandez na mapananatili ng kanyang tropa ang kaparehong lakas kontra  Lyceum of the Philippines University sa Miyerkoles.

“Same mentality. Hard work pa rin. Lahat ng teams dito, contender. Walang mahina, lahat malakas,” ani Hernandez.

Ipinoste ang kanilang ikatlong sunod na panalo, ang third-running Cardinals ay umangat sa 6-2, naghahabol sa Lions (6-1) ng kalahating laro lamang.

Sarap ng feeling na talunin ang  top team,” sabi ni Mapua captain Warren Bonifacio, na nag-ambag ng   13 points, 4 boards at 3  blocks. “Sobrang saya kasi lahat ng pagod, lahat ng pinaghirapan sa ensayo, nagbunga.”

Nagdagdag si Toby Agustin para sa Cardinals ng game-high 15 points.

Ito ang pinakamasaklap na pagkatalo ng San Beda makaraang malasap ang 72-91 decision sa Arellano University noong Oct. 1, 2015.

Nanguna si James Kwekuteye para sa San Beda na may 14 points at 11 rebounds habang nagdagdag si Ralph Penuela ng 13 points, 3 assists at 2 steals.

Iskor:

Unang laro:

Mapua (68) — Agustin 15, Hernandez 14, Bonifacio 13, Pido 8, Nocum 8, Lacap 5, Gamboa 5, Salenga 0, Mercado 0.

San Beda (54) — Kwekuteye 14, Penuela 13, Amsali 6, Andrada 5, Gallego 4, Bahio 3, Sanchez 3, Alfaro 2, Ynot 2, Cuntapay 2, Abuda 0, Villejo 0.

QS: 17-14, 31-27, 50-40, 68-54

Ikalawang laro:

Letran 81 – Ambohot 14, Paraiso 12, Abando 12, Mina 9, Sangalang 7, Tolentino 7, Fajarito 6, Javillonar 6, Reyson 5, Ariar 2, Yu 1, Olivario 0, Caralipio 0, Guarino 0, Lantaya 0.

JRU 59 – Macatangay 11, Celis 11, Bongay 8, Aguilar 6, G. Gonzales 4, Aguado 3, Agbong 3, C. Gonzales 3, Dionisio 2, Arenal 1, JUngco 1, Estrella 1, Dela Rama 1, Delos Santos 0.

QS: 12-6, 35-18, 59-39, 81-59.